Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Free Basketball Summer Sports Clinic ng LGU Kabacan, nagsimula na

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2015) ---Pormal nang nagsimula ang Free Basketball Summer Sports Clinic ng LGU Kabacan kahapon ng umaga.

Ayon kay LGU Kabacan Youth and Development Officer and Sports Coordinator Latip Akmad sa panayam ng DXVL News, abot sa 175 na mga kabataan mula sa ibat-ibang barangay sa bayan ang lumahok sa nasabing akribidad.


Anya, ang nasabing aktibidad ay programa ng LGU Kabacan sa pangununa ni Mayor Herlo Guzman Jr. katuwang ang Basketball Association of the Philippines o BAP Kabacan sa pangunguna naman ni Edgar Tata Yap.

Dagdag pa ng opisyal na dumalo sa nasabing opening program sina Kabacan Municipal Administrator Ben Guzman sa katauhan ng Mayor Guzman at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Head David don Saure.

Ang Free Basketball Summer Sports Clinic ay magtatapos sa darating sa Mayo a-7 ngayong araw ng hwebes na isa sa mga kampanya ng LGU upang ilayo ang mga kabataan sa mga bisyo at ituon ang atensiyon sa sports.


Kasama sa mga nagbibigay ng kaalaman sa mga kalahok si Jerold Cabanyog ang Basketball Star Player ng Davao City. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento