By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015)
---Ospital ang bagsak ng isang magsasaka matapos na masugatan makaraang ma-hit
and run sa National High Way sa bahagi ng Brgy. Katidtuan, Kabacan Cotabato alas
12:30 ng tanghali kahapon.
Kinilala ng Kabacan PNP Traffic Division
ang biktima na si Amado Cariño, 53 anyos, isang magsasaka at residente ng
nasabing barangay.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon
na papatawid umano ang biktima ng aksidenteng mabangga ng isang pinaniniwalaang
RUSI na motorsiklo, kulay pula na sakay ang dalawang di pa nakilalang mga
kalalakihan.
Nagtamo ng sugat ang biktima matapos
ang insidente.
Pinatigil umano ng mga nakakita sa
nasabing pangyayari ang motorsiklo ngunit nagpaharurot ito habang mabilis
namang isinugod sa ospital ang biktima.
Hinabol ng kapulisan ang mga suspek,
pero bigo silang mahuli ito.
Sa ngayon ay nasa maayos nang
kalagayan ang biktima.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento