Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P5-M ari-arian naabo

Rhoderick Beñez

(South Cotabato/ May 6, 2015) ---Tinatayang aabot sa P5 mil­yong halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy makaraang masunog ang pampublikong palengke sa bayan ng Surallah, South Cotabato kahapon ng madaling araw.

Ayon kay F/Senior Inspector Rupert Christian Balicol, kabilang sa mga tindahang naabo sa sunog ay pag-aari nina Elizabeth Arim, Amalita Doren, Gina Ladiao, Jun Ladiao, Linda Tolentino, Ariz Tolentino, Cecilia Belasa, Sherlol Nicolas, Felicima Arim, Annie Egamin, Nezina Paciente at Delia Soyman.
Base sa pahayag ng ilang residente, naganap ang sunog makaraang bumalik ang supply ng kuryente sa nabanggit na lugar.

Wala namang may naiulat na nasaktan o namatay sa nasabing sunog. Patuloy namang namamahagi ng relief goods ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya.





0 comments:

Mag-post ng isang Komento