by: Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015)
---Ituturn-over na ngayong buwan ng Hunyo ang mga on-going projects sa ilang
mga barangay sa bayan ng Kabacan.
Ito ayon kay Kabacan Mayor Herlo P.
Guzman Jr sa panayam ng DXVL News.
Anya, halos kalahati ng lahat ng
bilang ng mga barangay sa bayan ang kasalukuyan ay may on-going na mga proyekto
na malapit ng matapos at isa na rito ang road rehabilitation sa Brgy. Pisan na
malapit nang maiturn over.
Dagdag pa ng opisyal na patuloy
ngayon ang kanilang ginagawang paglilibot upang tingnan ang implementasyon ng
nasabing mga proyekto.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento