Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 Brgy. ng Datu Montawal, Maguindanao, bahagyang sinalanta ng Ipo-ipo

(Datu Montawal, Maguindanao/ May 4, 2015) ---Bahagyang sinalanta ng Ipo-ipo ang bayan ang 3 mga barangay sa bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Datu Montawal Municipal Risk Disaster and Management Council Head Toto Abu sa panayam ng DXVL News, ang mga barangay na nadaanan ng ipo-ipo ay ang iilang bahagi ng Brgy. Poblacion, Pagagawan at Tunggol sa nasabing bayan.


Anya, wala namang naitalang major damages o mga nasaktan sa nasabing insidente at hindi naman ito talagang tumama sa lupa.

Nagbigay din ng paalala ang opisyal sa mga residente ng bayan ng Datu Montawal na palaging maging handa sa pagkat malakas umano ang naranasang ulan ng bayan at may posibilidad na rumagasa ang ang baha. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento