By: Mark Anthony
Pispis
(Kabacan,
North Cotabato/ May 6, 2015) ---Nagpaalala ang Kabacan PNP sa mga motorista sa
bayan sa maghinay-hinay lang sa pagpapatakbo matapos ang naitalang Vehicular
Accident sa bahagi ng National Highway sa Brgy Kayaga, Kabacan, Cotabato
kahapon ng hapon.
Ayon
kay PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP, wala naitalang major
injury sa nasabing insidente.
Anya
ang mga nasangkot na motorsiklo ay isang Kawasaki Bajaj, kulay itim, na
minamaneho ng isang Abdul Kahar Abu at at resident eng Brgy. Ginatilan ng bayan
ng Pikit isang Honda XRM, kulay itim na pagmamay-ari ng isang Rejel Jhon Lagat
Garson na residente naman ng Masagana St. Brgy Poblacion dito sa bayan.
Nagpaalala
naman ang opisyal sa mga mamamayan na magkaroon ng imaintain na speed limit
lalo na sa mga intersection at matataong lugar upang maiwasan ang disgrasya.
Anya
habang hinihintay pa ang ipinasang resolution ng SB hinggil sa pagkakaroon ng
speed limit sa bayan ay mararapat lamang na sundin ang mga batas sa trapiko.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento