Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

24 oras na pagbabantay sa peace and order sa Brgy. Poblacion, Kabacan, tiniyak ng Brgy. Council

(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2015) ---Nagdagdag ng 12 tanod ang Brgy. Council ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Kabacan na nagsimula na kahapon.

Ayon kay Brgy. Poblacion Kapitan Mike Remulta sa panayam ng DXVL News, ito ang karagdagan umano sa 20 mga Brgy. Tanod na nagbabantay sa kaayusan sa nasabing barangay.


Anya, malaking tulong umano ito lalo na at 24 oras na ang kanilang gagawing pagroronda sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga matataong lugar dahil meroon nang tanod na magduduty sa araw at gabi.


Dagdag pa ng opisyal na an 32 na tanod ng Brgy. Poblacion ay ang mga nakauniporme ng dilaw. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento