By:
Christine Limos
(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Nagpapatuloy
ang imbestigasyon ng Kabacan PNP hinggil sa narekober na high explosive
ordnance sa Crossing ng Miracle St., Poblacion, Kabacan alas otso kamakalawa ng
gabi.
Sa panayam ng DXVL news Radyo ng Bayan kay
PSI Ronnie Cordero, hepe ng kabacan PNP inihayag ng opisyal na may mga natanggap
na silang impormasyon ngunit di pa pwedeng isapubliko.
Gawa umano sa bala ng 60mm ang narekober na
HE na wala namang kakayahang sumabog.
Patuloy namang pina iigting ng Kabacan PNP
ang kanilang ginagawang pagpapatrolya at police visibility sa lahat ng sulok ng
Kabacan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento