Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kampanya ng Kabacan PNP at LGU Kabacan kontra illegal na droga, mas pinaigting

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2015) ---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya kontra illegal na droga katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News, abot na sa 7 katao ang naaresto dahil sa illegal na droga sa bayan ng Kabacan sa loob lamang ng mahigit isang buwan.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP, ito ay simula ng maupo siya sa pwesto simula noong March 26, 2015 hanggang sa kasalukuyan.


Ang nasabing hakbang ay kasunod ng deriktiba ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. na sugpuin ang mga kriminalidad sa bayan ng Kabacan.

Dagdag pa ng opisyal, layon nito ay mabawasan ang mga krimen na sanhi ng droga.

Napag-alaman na una ng sinabi ni Mayor Guzman na naglaan ng pabuya ang LGU Kabacan  para sa mga makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa mga gumagamit at nagbebenta ng droga. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento