Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, arestado sa pagdadala ng illegal na droga sa Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng 24-anyos na magsasaka makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa checkpoint sa bisinidad ng Abellera St. Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:45 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, OIC ng Kabacan PNP ang suspek na si Karim Baliwan, 24 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Aringay sa nasabing bayan.


Nakuha mula sa suspek ang isang piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng Kabacan MPS ang suspek habang
inihahanda ang kasong kakaharapin nito na paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento