By: Jimmy Sta. Cruz/
PGO Media Center
(AMAS, Kidapawan
City/ May 10, 2015) - Tumanggap ng tig-P10,000 ang mga pamilya ng mga nasawing
miyembro ng 57th Infantry Battalion ng Phil. Army sa roadside
bombing na nangyari sa Barangay Kabalantian, Arakan, Cotabato noong May 6,
2015.
Ito
ay matapos ipag-utos ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang agarang
koordinasyon sa mga pamilya ng mga nasawi at mabigyan ang mga ito ng
tulong-pinansiyal.
Ang
mga nasawi ay kinabibilangan nina PFC
Alfredo M. Callano, Jr., PFC Robert B. Quilangit at PFC Muhalidin M. Manampan.
Ayon kay Capt. Sanjie Sangatanan ng 57th
IB nagsasagawa ng prophylactic patrol ang tatlo kasama ang iba pang tauhan ng
57th IB sa naturang barangay matapos na maiulat ang presensiya ng
armadong kalalakihan sa lugar.
Pagsapit
ng mga ito sa isang bahagi ng doon ay bigla na lamang sumabog ang isang
pinaniniwalaang land mine at nahagip ang sasakyan ng tatlo na sanhi ng kanilang
pagkamatay.
Sugatan
naman sa pagsabog si Cpl Ariel T. Blancia at kasalukuyang nagpapagaling ngayon
sa isang pagamutan.
Tinutulungan na rin ito
ngayon ng Provincial Government of Cotabato.
Sinabi ni Gov
Taliño-Mendoza na maliit na halaga lamang ang naipagkaloob ng Provincial
Government sa mga pamilya ng mga nasawi ngunit taglay nito ang taus-pusong
pakikiramay at respeto sa kabayanihan ng mga sundalo.
Ipinag-utos din ng
gobernadora ang iba pang paraan upang matulungan ang mga naulilang pamilya. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento