Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 sugatan sa strafing incident sa bayan ng Carmen, North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Carmen, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Ospital ang bagsak ng dalawa katao makaraang masugatan sa nangyaring strafing incident sa binisidad ng Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato alas 7:00 kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina  Illionido Indangan, 52 anyos, isang magsasaka at isang Jolibee Daguman, 18 anyos, dalaga na pawang mga residente ng nasabing barangay.


Ayon sa salaysay ng biktima sa panayam ng DXVL News Team, naghahanap lamang umano ng mga palaka sa irigasyon ng nasabing lugar ang mga biktima kasama ang isa pa nilang kasama nang ratratin ng mga di pa matukoy na bilang na mga armado ang mga ito sa di kalayuan.

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa hita ang 2 mga biktima mula sa di pa matukoy na uri ng armas.

Dagdag pa ng mga biktima, nasa tinatayang sampung beses silang pinaputukan ng mga suspek.

Agad silang tumakdo papalayo sa mga ito.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan ang mga biktima.

Sa ngayon nasa ligtas nang kalagayan ang mga biktima habang patuloy pang nagpapagaling sa natamo nilang sugat.

Hindi pa malinaw mula sa mga ito ang dahilan ng pananambang sa kanila.

Palagi naman umano sila sa lugar at ngayon lamang ito nangyari.

Sa ngayon ay patuloy iniimbestigahan ng mga kapulisan ang nasabing insidente.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento