(Makilala, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Kulungan ang
bagsak ng 37-anyos na mister makaraang mapatay nito ang isang lolo na naaktuhan
nitong nakikipagtalik sa asawa nito sa Barangay Malungon, Makilala, Cotabato
kahapon.
Sa panayam ng DXVL News kay SPO4 Dianorin Cambang ng
Makilala PNP na buhat sa pagsasaka ng goma si Genesis Tapik, 37-anyos at
pag-uwi nito sa kanilang bahay ay nakitang nakapatong si Quinticon Eskolar sa
kanyang misis.
Tinangka pang saksakin ni Eskolar ang mister pero nabigo
ito dahilan kung bakit dumilim ang paningin ni Genesis at kanyang pinagtataga
naman ang lolo hanggang sa mapatay nito.
Agad namang sumuko si Tapik na nakakulong na sa lock-up
cell ng Makilala PNP at nahaharap sa kaukulang kaso. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento