Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao huli sa pagdadala ng illegal na droga sa magkahiwalay na operasyon ng Kabacan PNP

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Arestado ang isang 42-anyos na mister makaraang mahulihan ng illegal na droga sa bahagi ng Lapu-lapu St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 5:45 noong hwebes ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, OIC hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Nabel Maohan Ganatan, residente ng Qurino St., Poblacion ng bayang ito.


Nakuha mula sa posisyon at kustodiya ni Ganatan ang isang piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu.

Samantala kalaboso rin ang isang trysikad driver matapos itong masakute ng pinagsanib na pwersa Brgy. Tanod at Kabacan PNP sa Tomas Claudio Street, Brgy. Poblacion sa bayan ng Kabacan alas 12:40 nang tangahali noong biyernes.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang hepe ng Kabacan PNP ang suspek na isang Gilondio Bilano Peralta, 50 anyos, may asawa, isang sikad driver at residente ng Quirino Street sa nasabing barangay.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang improvised totter, blade at lighter.

Kapwa nakapiit at naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakal ang dalawang suspek sa Kabacan MPS at naharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento