Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga magsasaka ng goma at iba pang sektor nagsagawa ng kilos protesta sa Makilala, North Cotabato

By: Christine Limos

Photo by: RJ Cacatian
(Makilala, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Nagsagawa ng kilos protesta ang mga magsasaka ng goma at iba pang sektor noong May a-1 Labor Day sa bayan ng Makilala, North Cotabato. 

Sa panayam ng DXVL news kay Bishop Redeemer Yanez IFI inihayag nitong ang pagkilos ay isang pag gunita sa International Labor Day at ito umano ay local commemoration ng Labor Day kung saan pinangunahan ng sektor ng mga laborers, KMU kasama ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP, mga kabataan, mga nomad at sektor ng simbahan.


Nagsagawa umano ng march rally sa Makilala at gumawa ng human barricade sa highway ng Makilala-Davao kung saan naging highlight sa protesta ang pagpapakita ng kaawa-awang sitwasyon ng mga rubber tappers sa North Cotabato dahil sa mababang presyo ng goma.


Dagdag pa ni Bishop Yanez na labing siyam na piso lamang bawat kilo ang presyo ng goma sa North Cotabato samantalang animnapung piso ang bentahan sa labas o sa ibang lugar. 

Aniya, ayon sa mga paliwanag sa nagyaring protesta kinokontrol umano ng ibang malalaking lokal na negosyante sa Makilala ang presyo ng goma.


Samantala, ikinalungkot naman ng mga manggagawa dahil wala kahit ni isang pinuno ng pamahalaan na pumunta sa pagkilos upang pakinggan ang kanilang hinaing. 

Inihayag din ni Bishop Yanez na patuloy umano ang pag organisa ng protesta at kampanya hanggat di pinapakinggan ng gobyerno ang kanilang hinaing.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento