Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Serbisyo ng Street lights sa Brgy. Poblacion ng Kabacan, tiniyak na maibabalik bago ang pasukan -Alkalde

by: Mark Anthony Pispis

Mayor Herlo Guzman Jr.
(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Iginiit ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. na ma-ibabalik ang serbisyo ng Street Lights sa Brgy. Poblacion bago pa man ang nalalapit na pasukan  sa Hunyo.

Ginawa ng punong ehekutibo ang pahayag sa DXVL News matapos na patuloy pa rin ang reklamo ng mga residente dahil sa napakadilim ng mga kalye ng Poblacion.

Aniya, naghahanap pa sila ng legal advice kung paano ba ang gagawing proseso ng pagbabayad sa utang kung direkta ba itong ibabayad sa kooperatiba o idadaan muna sa Brgy. Council ng barangay upang sila ang magbabayad.

Sinabi ni Mayor Guzman na kanila ring titiyakin na pagkatapos na mabayaran ang nasabing utang ay kung sino ang siyang magbabayad sa monthly bills nito.

Nabatid na dalawang buwan na ang nakakalipas ng pinutol ng Cotelco serbisyo ng Street lights sa Poblacion dahil sa malaking noon at arrears na hindi nabayaran.

Bagay namang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang resolusyon na nagbibigay ng pahintulot kay Mayor Guzman na siyang umako sa bayarin ng 215 Street Lights na umaabot sa P668,000.00.

Dagdag pa ng alkalde, na ginagawa nito ang lahat ng kanyang makakaya upang maibalik ang serbisyo ng mga ito bago paman ang pagsisimula ng klase sa darating na Hunyo sa susunod na buwan lalo pa at nakasalalay dito ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Poblacion lalo na sa mga estudyanteng nag-aaral sa USM. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento