Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BREAKING NEWS: High Explosive Ordnance, narekober ng PNP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Napigilan ng mga otoridad ang pagsabog ng isang High Explosive Ordnance sa bahagi Crossing ng Miracle St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato mag-aalas 8:00, Miyerkules ng gabi.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kay PSI Ronnie Cordero, ang hepe ng Kabacan PNP na dalawa katao na lulan ng motorsiklo ang nag-iwan ng nasabing pampasabog.


Gawa sa bala ng 60mm ang narekober na HE na nakasilid sa isang bag.

Sinabi ni Cordero na agad silang naglatag ng check point sa lugar at kinordon ang erya kaya napigilan ang pagsabog nito.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng EOD team, bala lamang ang narekober at wala itong kakayahang sumabog dahil kulang ang pagkakaagwa ng device nito.

Patuloy namang naka-alerto ang pulisya sa lahat ng sulok ng Poblacion, batay naman sa iniatas na deriktiba ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.

Bago ang insidente ay may mga natatanggap na umanong intel reports ang kapulisan hinggil dito na muling maghahasik ng karahasan ang ilang masasamang grupo. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento