(North Cotabato/ May 9, 2015) ---Iginiit ni
Department of Agriculture Regional Executive Director Amalia Jayag Datucan na
walang anomalya sa Kagawaran ng Pagsasaka sa pamumuno ni Secretary Proseso Alcala.
Ito ang sinabi sa DXVL News Radyo ng Bayan
ng opisyal kungsaan ipinaliwanag ni Director Datucan na naantala lamang ang mga
proyekto noong 2013 at maaaring tapos na ang karamihan sa mga proyekto sa taong
2014.
Kasama umano sa dahilan ng pagkaantala ng
pagpapatupad ng proyekto ay ang weather condition na masyadong maulan kung saan
naantala ang konstruksiyon ng mga proyektong farm to market road.
Ayon pa kay Datucan mga nasa Manila ang
kadalasang nagrereklamo at hindi iyong mga magsasaka na nasa sakahan.
Dagdag din ng opisyal na sa pagsisimula ng
linggo na nagsimula ng umulan sana umano’y handa ng magtanim ang mga magsasaka
at ma-maintain ang food sufficiency program sa Region 12.
Nagpasalamat din ang opisyal sa mga suporta
at tulong ng mga magsasaka at sa mga taga Region 12 na naniniwala na ang
programa ng DA ay nakakarating sa mga nangangailangan. Rhoderick Beñez\ Christine Limos\DXVL
0 comments:
Mag-post ng isang Komento