Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BPAT Capability Enhancement Seminar, isinasagawa ng Kabacan PNP

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2015) ---Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang Barangay Peace Keeping Action Team Capability Enhancement Seminar na isinasagawa ng Kabacan PNP sa bawat barangay sa Kabacan.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, OIC chief of police ng Kabacan PNP na kasalukuyan aniya ay 5 baranggay na ang nabigyan nila ng BPATS Enhancement seminar, ang brgy. Kayaga, brgy. Cuyapon, brgy. Aringay, brgy. Poblacion at Kabacan Market Vendors Radio Group.


Binigyan diin ni Cordero na ang kanilang ginagawa na mga hakbang sa  pagsugpo ng krimen sa bayan ng Kabacan ay sa direktiba ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr.

Nanawagan din si PSI Cordero sa pamamagitan ng DXVL Radyo ng Bayan na ipagpatuloy ang suporta sa mga kapulisan at nagbigay din ng personal hotline at PNP hotline.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento