By: Ruel Villanueva
(North
Cotabato/ May 8, 2015) ---Nagsagawa kamakailan ng Business Development and
Management Seminar para sa mga solo parents sa Ace Pension House Conference
Hall sa Midsayap ang Office of the Provincial Agriculturist ng North Cotabato
na dinaluhan ng tatlumpu’t isang mga solo parents sa lugar.
Ang seminar na nabanggit ay
pinangunahan nina Ms. Norberta Tahum, Marivic Supeña at Delma Padua ng OPA
Socio-economics Division.
Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo
Mangliwan, sa seminar na ito isinagawa ang pagsasanay para sa product
enhancement ng fruit concentrate at juice katulad ng sa calamansi na sagana sa
dako. Ang pagsasanay na ito ay may return demonstration para sa mga kalahok na
kung saan aktuwal silang gumawa ng sarili nilang calamansi concentrate at
juice. Dito masusukat kung may natutunan ang mga solo parents na kalahok,
dagdag pa ni Mangliwan.
Dumalo rin sa seminar ng mga solo parents
sina BM Eliseo Garcesa at si Midsayap Municipal Agriculturist Cesario Carcosia
upang magbigay ng inspiring messages.
Pahayag pa ni Ms. Tahum na bahagi ng mga
paksang tinalakay ang mga sumusunod:
1.
Quality
packaging
2.
Simple
costing
3.
Market
linkaging, at ang
4.
Entrepreneurial
moral values
Nagparating naman ng pasasalamat si Ms.
Imeda Raboy, ang Solo Parents Focal Person ng MSWD-Midsayap kay Gov. Emmylou
“Lala” J. Taliño-Mendoza sa programang pangkabuhayan ng Pamahaalang
Panlalawigan na bahagi ng Serbisyong Totoo program.
Suportado naman ni Gov. Mendoza ang ganitong
programa para sa mga solo parents upang magkaroon sila ng matatag at maunlad na
pagkakakitaan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento