Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy. Poblacion, Kabacan, naglatag ng hakbang kaugnay sa problema sa St. Lights

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2015) ---Kasalukuyan ngayong ipinapatupad ng Brgy. Council ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Kabacan ang libreng pamimigay ng mga materyales at libreng pagpapakabit ng mga ilaw sa mga bahay na malapit sa mga kalye ng barangay.

Ayon kay Brgy. Poblacion Kapitan Mike Remulta sa panayam ng DXVL News, ang mga materyales na ito na libre nang ibibigay nila ay ang bulb at wires pati ang pagpapakabit nito.


Dagdag pa ng opisyal na sila na ang magkakabit nito direkta sa metrohan ng sinumang mga residente na nagnanais magpakabit.

Sa katunayan ay abot na sa 74 na residente ng Brgy. Poblacion Kabacan ang nag request na magpakabit ng mga ilaw sa harapan ng kanilang bahay.


Anya ito ang kanilang nakitang solusyon habang hindi pa naibabalik ang mga Street Lights sa bayan na naputulan ng linya dahil sa utang.

Dagdag pa ng opisyal na nasa 23 watts umano ang naturang bulb at ang aakuin na lamang umano ng residente ay ang electric bill sa bulb na abot lamang umano sa bente singko hanggang trenta pesos bawat buwan.


Hindi naman ito gaanong kabigatan dagdag pa niya. Nanawagan din si Kapitan Remulta para sa mga interesado pang residente.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento