Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PALARONG PAMBANSA 2015 UPDATE: Mga Atleta mula North Cotabato, umarangkada sa ika-apat na araw ng Palarong Pambansa 2015

by: Lurvie James N. Fruto/ PIO South Cotabato
MEDIA Center: Palarong Pambansa 2015
Nagwagi ng gintong medalya ang dalawang atleta mula sa Carmen North Cotabato sa Table Tennis Doubles Girls Mixed Tournament sa Palarong Pambansa 2015 na kasalukuyang idinadaos sa Tagum City, Davao Del Norte.

Si Ypriel Jane B. Luna at Chrisien Mae N. Santillan, na parehong estudyante ng Kimadzil Elementary School, Cotabato Province ay nagwagi laban kina Jaylyn Valencia at Jorrina Nepomuceno ng Central Luzon at siya ring nakakuha ng Silver Medal at Corrine Cartera, Ayesha Bonniemhe Quibol ng Region 11 o Davao Region na nakakuha din ng Bronze.

Ayon kay Santillan, nagpapasalamt umano ito sa Panginoon sa biyayang ipinagkaloob sa kanila ng sila’y magtagumpay sa unang laban nila kahapon.

Para naman kay Esteban Angcos Jr., ang coach ng mga nasabing kabataan na nagmula rin sa Kimadzil Elementary School, Cotabato Province, ay proud na proud umano ito sa nasabing mga kabataan dahil maliban sa sila’y nagmula sa parehong paaralaetn ay ipinakita rin ng mga ito ang lubos nitong determinasyon upang manalo laban sa 16 na iba;t ibang rehiyon sa bansa.

Maliban sa gintong medalya ay wagi rin ang parehong mga kabataan sa Table Tennis- Elementary Girls Team Tournament ng Silver Medal kung saan sila ay pumagngalawa sa Region III o Central Luzon.

Sa kabilang dako ay ay panalo rin ng Silver Medal ang tatlo pang ibang kabataan mula sa Kidapawan at COtabato na sina:
VJ Troy Navasquez
Mla’ng Elementary School
Poomsae Individual Boys B
Poomsai Mix Pair
Sekak Sumail III
NDU-Junior High
Chess Blitz Team Secondary





Bronze Medalist naman sina:
Melody Intong
PACO NHS
Table Tennis Secondary Girls
Hannah Babes Bambalan
PACO NHS
Table Tennis Secondary Girls
Mylene Alonto
ND Cotabato
Table Tennis Secondary Girls
Antoinette Blesh Luna
Kabacan Wesleyan Academy
Table Tennis Secondary Girls
Datu Harry Dave Abubakar Karon
CCNHS-Main
Tennis Secondary
Abson John F. Alejandre
ND Midsyap
Tennis Secondary


 Konektado ka sa PP2015 live mula Tagum City, ________---, DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento