Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“Being a beauty Queen is really part of my dream” ---Reyna ng Aliwan 2015

By: Rhoderick Beñez

(Amas, Kidapawan city/ May 4, 2015) ---Matagal na umanong pangarap ng 20-anyos na “Reyna ng Aliwan 2015” ang makasali sa mga beauty contest.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Stephanie Joy Abellanida matapos na humarap ito sa mga empleyado ng Kapitolyo, publiko at sa media sa pagpapakilala sa kanya sa Provincial Capitol, kaninang umaga.

Aniya “Being a Beauty Queen is really part of my dream”, wika pa ng Beauty Queen titlist.

Pinasalamatan din nito ang mga taong tumulak sa kanya upang ipursige ang kanyang pangarap.

Kanya ring pinasalamatan ang provincial government sa pamumuno ni Gov. Lala Talino Mendoza at ang lahat ng sumuporta sa kanya.

Matatandaan na naiuwi ni Abellanida ang Korona bilang Reyna ng Aliwan 2015 sa katatapos lamang na Aliwan Festival 2015 sa Aliw Theatre, Star City Complex, Pasay City, noong April 25, 2015.

Tinalo ni Abellanida ang 20 iba pang naggagandahang dilag mula sa iba’t-ibang lalawigan at tumanggap ng halagang P100,000 bilang gantimpala.

Bitbit ng dalaga ang Halad Festival ng Midsayap na ginaganap sa Enero ng bawat taon.

Naging 2nd Runner Up ng Search for the Mutya ng Cotabato 2014 Centennial Queen si Abellanida bago ito sumabak at nagwagi sa Reyna ng Aliwan 2015. 


0 comments:

Mag-post ng isang Komento