By:
Sarah Jane Guerrero
(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Isa
ang Kabacan sa tatlong Munisipyo sa Rehiyon dose ang nabigyan at nagawaran ng
plaque of Appreciation para sa Outstanding Compliance to the Standards of
Public Terminals.
Ang nasabing parangal ay tinanggap ni Mr. Edne B. Palomero
ang acting Municipal Economic and Enterprise Development Officer ng LGU Kabacan
noong April 24, 2015 sa General Santos City.
Base naman sa Memorandum Circular number
2008-013 o ang standard classification and guidelines in the establishment,
maintenance and operations of Public Transport Terminal ng Land Transportation
Franchising and regulatory Board o LTFRB, pasok at pasado umano ang Kabacan
Terminal Complex bilang Inter-Modal Transport Terminal at sa mga standards at
patakaran na inilahad ng nasabing opisina dahil sa pagkakaroon nito ng Public Address System, CCTV cameras, Concrete
pavement and flooring at ang pagkakaroon nito ng Gender Welfare Assistance
Center na kung saan nagbibigay ito ng ibat ibang serbisyo para sa mga
pasaherong ina, mga bata at mga matatanda.
Ang LTFRB ay nagsasagawa ng inspeksyon sa
lahat ng mga Terminals sa buong rehiyon kada taon upang malaman ang estado ng
mga pasilidad na ito at kung ito ba lumalabag sa mga patakaran ng LTFRB.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento