Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Abdul Basit Usman, patay sa pamamaril ng miyembro ng MILF

By: Christine Limos

(Maguindanao/ May 4, 2015) ---Patay ang notoryos na bombmaker na si Abdul Basit Usman makaraang mapaslang sa nangyaring engkwentro ng MILF sa bahagi ng Sitio Talanaken, Brgy. Meta, Guindulongan, Maguindanao alas 11:50 kahapon ng umaga.

Sa report na nakuha ng DXVL news sa pinagkakatiwalaang source , hawak umano ng 118 base command ng MILF ang mga labi ni Usman.

Ang pagka-patay kay Usman ay kinumpirma din ngayong hapon sa hiwalay na panayam ng DXVL News kay DPAO chief Captain Joan Petinglay.

Pero kung paanu ito napatay at sinu ang pumaslang ay hindi muna idenetalye ng opisyal.

Sa hiwalay namang impormasyon, may nangyari umanong engkwentro sa lugar kaya maliban kay Usman, nasawi rin ang dalawang kasamahan nito at pito ang nasugatan.

Tinangka umanong arestuhin si Usman ng grupo ni Barok ngunit nanlaban kaya binaril-patay.

Galit umano ang MILF sa grupo ni Usman na siyang dahilan kung bakit nakabinbin ngayon ang usapin ng Bangsamoro Basic Law.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento