Napapabalitang kakulangan sa bigas, hindi totoo – NFA
Naniniwala ng pamunuan sa National Food Authority sa South Cotabato na walang katotohanan napapabalitang kakulangan sa pondong bigas ng bansa, lalung lalo na sa lalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay NFA South Cotabato Manager Omar Mohammad, maaring gawa-gawa lang ang naturang balita ng mga negosyanteng nagnanais kumita sa importasyon ng bigas.
Kung ang South Cotabato at Lungsod ng Koronadal umano ang pag-uusapan, sinabi ni Mohamad na tiyak na sobra-sobra ang pondong bigas at maging ng palay na nakaimbak sa warehouse ng NFA.
Aniya ang imbentaryong bigas ng South Cotabato ay umaabot pa sa ngayon ng mahigit dalawang daang libong sako. Hindi pa napapabilang dito ang aning palay ng mga magsasaka sa lalawigan.
Matatandaang nitong mga nakaraang linggo inihayag naman ni South Cotabato Provincial Agriculturist Reynaldo Legaste na mas malamang na hindi makararanas ng tinatawag na lean months ang buong lalawigan dahil sa tuluy-tuloy ang taniman at ani ng mga magsasaka dito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento