KAbacan PNP naka red alert na para sa Semana Santa
Naka-red alert na simula pa nitong nakaraang linggo ang buong puwesa ng Kabacan PNP alinsunod sa pagpapatupad ng Oplan Semana Santa.
Inihayag ni Police Supt. Joseph Semillano ng Kabacan PNP na nakahanda na ang kanilang pamunuan upang masegurong mapayapa, matiwasay, at maayos ang paggunita ng mamamayan ng Semana Santa.
Aniya, titiyakin nilang may mga nakabantay na mga pulis sa mga public areas kagaya ng simbahan, terminal at maging ang public market kungsaan maglilibot din sila sa mga mahahalagang daanan sa bayan na nasakupan ng kanilang tanggapan.
Kaugnay nito, hinigpitan na rin ang pagbabantay sa mga terminal ng bus at van pati na ang pagsisiyasat ng mga bagahe.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento