DXVL Staff
...
Miyerkules, Abril 27, 2011
No comments
April 25, 2011
Albularyo na kumuha ng kapangyarihan sa panggagamot noong Semana Santa nagsimula na’ng manggamot sa Kidapawan City
KAYA’NG gumamot ng kanser at kagat ng ahas, maging ng cobra, ang 76-taong gulang na albularyo na si Rodolfo Roquero na taga-Barangay Balabag, Kidapawan City .
Si Roquero ay kilala sa tawag na Tatay Dolfo. Tuwing sasapit ang Semana Santa pumupunta sa isang kweba sa may Mount Apo si Tatay Dolfo.
Noong hapon ng Miyerkules Santo inakyat ni Tatay Dolfo ang Paniqui Cave kungsaan bago niya marating ang kweba, pitong ilog muna ang dinaanan niya.
At kapag narating na ang gubat malapit sa kweba, hahanapin na ni Tatay Dolfo ang mga puno ng ‘mamitin’, ‘mamilay’, ‘mamagkit’, ‘mandalusang’, ‘manonggal’, at ‘cobra-cobra’. Kukunin niya ang matatandang sanga ng naturang mga puno at ito ang gagamitin n’ya bilang gamot.
Patutuyuin at pagkatapos ay tatadtarin saka ilalagay sa botelya. Ihahalo niya rito ang isang baso ng Tanduay Rhum o di kaya naman ay Chio Hok Tong para inumin ng maysakit.
Maaari din naman na gamitin niya ang langis mula sa niyog na gagamitin naman niya’ng pamahid sa mga sugat o kaya ay kagat ng ahas o aso.
Ayon kay Tatay Dolfo, ginagawa niya ang ritwal na ito para makakuha siya ng kapangyarihan sa panggagamot.
Ang gamot na ginawa niya nakagagaling maging ng kanser.
Marami na siya’ng napagaling, ayon sa kanya.
Ang panggagamot na ito minana pa ni Tatay Dolfo sa kanyang mga magulang.
At ipamamana raw niya rin ito sa kanyang mga anak at sa kahit na sino’ng interesado na matuto ng panggagamot.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento