Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


Patuloy na nagpapagaling ngayon sa isang ospital dito sa bayan ng Kabacan ang isang lider ng ‘tapas karga’ sa isang sugar cane plantation makaraang pagbabarilin ito ng di pa nakilalang armado sa brgy. Kibenes, Carmen, Cotabato dakong alas 7:30 ng gabi nitong Miyerkules.

Kinilala ng Carmen PNP sa pamumuno ni chief of Police Jordine Maribojo, ang biktima na si Marivic Inog, nasa tamang edad, residente ng Magpet, Cotabato.

Sa inisyal na pagsisiyasat nabatid na pinagbabaril si Inog sa loob ng kanyang nirerentahang bahay sa nabanggit na lugar ng di armadong salarin gamit ang di pa matukoy na uri ng armas na naging dahilan kung bakit nagtamo ito ng iba’t ibang tama ng bala sa kanyang katawan.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical Specialist para mabigyan ng karampatang lunas habang agad namang tumakas ang salarin matapos ang insedente.

Sa ngayon inatasan na ni Mayor Roger Taliño ang mga pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para matumbok ang at mapanagot ang pangunahing suspek sa pamamaril at para alamin ang totoong motibo.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento