DXVL Staff
...
Miyerkules, Abril 27, 2011
No comments
Launching ng Patel/Pastel Festival sa probinsiya ng North Cotabato; itinampok sa 1st Gov. Lala Kid’s Summer Peace Camp sa Kabacan, Cotabato
Libu-libong mga patel ang inihanda sa noong gabi ng April 26 para ipakain sa mga delegado ng 1st Gov. Lala Kid’s Summer Peace Camp kasabay ng paglunsad na rin ng kaunan-unahang Patel o Pastel Festival sa probinsiya ng North Cotabato na ginanap sa Kabacan Pilot Central elementary School.
Ayon kay Administrative Officer II at member of Provincial In-charge in Municipality of Kabacan Cotabato for the 1st Gov. Lala Taliño Mendoza Summer Kid’s Peace Camp Avnette Marie Pagaduan na punong-puno ng mga bata ang Pilot Oval matapos naglinya ang mga libo-libong kabataan para sa pagkain ng patel.
(insert tape Marie 1)
Ang nasabing peace camp ay pormal ng nagsimula kahapon na dinaluhan ng mga grade 5 pupils buhat sa Kabacan North, West at South District na umaabot sa 1,150 mga delegado na naglalayong maipromote ang awareness ng mga kabataan sa kanilang social, cultural at maging sa kanilang basic life skills ng mga ito.
Ang patel ay isang pagkaing nakabalot sa dahon ng saging na naglalaman ng kanin at ulam naman sa itaas at karamihan nito ay pininong karne ng manok at baboy.
Ang patel ay mabibili sa bayan ng Kabacan sa halagang P7- P12.00
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento