DXVL Staff
...
Miyerkules, Abril 27, 2011
No comments
Suspect sa pagpatay sa isang barbecue stall vendor sa Kidapawan City arestado ng PNP
DAHIL sa isang tip mula sa isang magpagkakatiwalaang source, nadakip ng mga operatiba ng intelligence division ng Kidapawan City PNP ang 30-taong gulang na tricycle driver na si Clemente Warain Tuazon na itinuturong primary suspect sa panggagahasa at pagpatay noong nakaraang taon sa isang barbecue stall vendor sa lungsod.
Nanguna sa pag-aresto sa suspect si Insp. Rolando Dillera, hepe ng intelligence and investigation division ng Kidapawan City PNP.
Inaresto si Tuazon sa bahay nito sa Urban Poor Village sa Poblacion, bandang alas-1030 ng umaga, kahapon.
Ang pag-aresto kay Tuazon ay ibinatay sa warrant of arrest dahil sa kasong homicide na inisyu noong October 13, 2010 ni Judge Rogelio Naresma ng Regional Trial Court branch 23.
Ayon kay Insp. Dillera, isang kapitbahay ni Tuazon ang nag-tip sa kanila na naroon sa Urban Poor Village ang suspect.
Noon lamang daw nakaraang Marso umuwi ng bahay ang suspect pagkatapos tumakas ilang oras makaraang umano ay gahasain at patayin ang isang barbecue stall vendor noong October 12, 2010.
SA PANAYAM, todo-tanggi na sinadya niya’ng patayin ang biktima. Nagtalo lamang daw sila na nauwi sa bugbugan hanggang sa mahulog sa may bandang ilog ang biktima.
NATAGPUAN ang bangkay ng biktima na puno ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan, bandang alas-sais ng umaga, kinabukasan.
Maging ang ari nito may sugat rin, ayon sa report. Pero ang anggulong rape ‘di naman isinama sa kaso ni Tuazon, ayon kay SPO4 Eduardo Gatela ng Kidapawan City PNP.
Ito, aniya, ay dahil ‘di napatunayan sa inisyal na imbestigasyon nila na ginahasa muna bago pinatay ang biktima.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento