Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


April 28, 2011

Secretary Alcala, pasisinayaan ang Bio-N processing at mixing plant sa Maguindanao

Nakatakdang pasinayaan ngayong araw, ni Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala ang Trichoderma at Bio-N Processing at Mixing Plant na nakahimpil sa Upi Agricultural School (UAS) sa bayan ng Upi, Maguindanao.

Ayon kay UAS Vocational School Administrator Engr. Sukarno Datukan ang nasabing pasilidad na nagkakahalaga ng mahigit =P=1 milyon ay mahalaga para sa pagsulong ng sektor ng Agrikultura sa bayan ng Upi, lalo na sa produksiyon ng organikong pataba na Bio-N at mga kapaki-pakinabang na mga bulateng panlaban sa mga sakit at pesteng sumisira sa mais, palay at mga gulay.

Dagdag pa ni Datukan, ang pasilidad ay malaki rin umano ang maitutulong sa pag-aaral ng mga Agriculture students at mga researchers mula sa bayan ng Upi at mga kalapit-lugar.

Ang pagpapatayo ng planta ay pinondohan ng DA-Corn Program ng National Food Authority (NFA) at ng DA-Bureau of Soil and Water Management (BSWM).

0 comments:

Mag-post ng isang Komento