DXVL Staff
...
Miyerkules, Abril 27, 2011
No comments
Subsidiya sa binhi ng palay ibinalik ng DA
Magandang balita para sa mga magsasaka ng palay sa Rehiyon Dose, ibinalik na ng Department of Agriculture ang subsidiya sa binhi ng palay.
Sa report mi Danilo doguiles ng PIA-12 mula sa isang pulong-balitaan kahapon, iniulat ni Rey Embahador, Regional Agri-Pinoy Rice Coordinator ng DA-12 na inutos kamakailan ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ang pagbabalik ng Rapid Seed Supply Financing Project (RaSSFiP) at pagpapalawig nito hanggang Disyembre 2011.
Ang RaSSFiP ay ang programa ng DA at National Food Authority (NFA) na nagbibigay ng 50 porsiyentong diskwento sa binhi ng palay na bibilhin ng mga magsasaka.
Sa ilalim ng programa, P600 lang ang halaga ng bawat bag ng certified inbred seeds para mga magsasaka ng palay, ayon kay Embahador.
Kaugnay rito, sinabi ni Embahador na target ng DA 12 at NFA na makapamamahagi ng dalawampu’t pitong libong (27,000) bag ng certified inbred rice seeds sa buong rehiyon.
Ang alokasyon bawat probinsiya ay ang sumusunod: 9,300 sa South Cotabato, 9,300 sa Sultan Kudarat, 5,680 sa North Cotabato, at 2,720 sa Sarangani.
Para mapakinabangan ang subsidiya ng pamahalaan, kailangan lamang magpatala ng mga magsasaka sa municipal agriculture office.
Ang RaSSFiP ay bahagi ng mga programa ng pamahalaan ni Pangulong Benigno Aquino III na naglalayong makamit ng bansa ang “rice sufficiency” sa taong 2013.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento