Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pag-fill up ng mga bakanteng position para sa faculty item sa USM; minamadali na ng Pangulo

Iginiit ni USM President Jesus Antonio Derije na abot sa tatlumpu’t tatlong mga bakanteng posisyon ang dapat na mapunan para sa faculty items maliban pa umano dito ang mga posisyon na iniwan ng mga nagretiro na mga faculty ng USM.

Kaugnay nito, agad na ipinag-utos ng Pangulo sa pamunuan ng HRMDO na magsagawa ng interbyu para agad na mapunan ang mga bakanteng items.

Tiwala naman ang pangulo na mabalis na uusad ang pag-fill up ng mga bakanteng posisyon dahil sa nandyan naman umano ang resulta ng MBC 461 cycle 4.

Sa ngayon humuhuling ang kanyang pamunuan ng needing clearance sa Department of Budget and Management o DBM para mabigyan ng pondo ang naging kontrobersyal na pagfill up ng walumpu’t dalawang regular na items ng mga faculty noong 2009 at limang non teaching position.

Samantala nakatakda naman umanong repasuhin ang USM code ng pamantasan bukas April 28 na gagawin sa Davao city dahil sa hindi na umano ito napapanahon, ayon sa Pangulo.

Kabilang sa mga iamendahan ay ang Research and extension aspect at maging ang administration at academic affairs.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento