Summer Peace Camp, pormal ng magtatapos ngayong araw mga iba’t-ibang natutunan ng kabataan; alamin
Matapos ang tatlong araw na matagumpay na aktibidad ng 1st Gov. Lala Kid’s Summer Peace Camp simula noong Martes magtatapos na ito ngayong araw.
Kabilang sa mga naging aktibidad ay ang Leadership Training, Environment Awareness, First Aid, Life skills at Child Rights.
Itinampok din ang Provincial/Municipal Thrust Bon fire with ceremony, cultural presentation, Patel Festival, Fireworks display habang isinagawa naman kagabi ang Pabonggahan Night at Batang Talentadong Kabacan.
Ang Peace Camp ay simultaneous na isinasagawa ngayong linggo sa mga bayan ng Matalam, Pigcawayan at dito sa Kabacan.
Una ng sinabi ni Avnette Marie Pagaduan ang in charge ng summer peace camp sa Kabacan na provincial wide na isinasagawa ito sa 17 mga bayan sa probinsiya ng North Cotabato.
Umaasa naman ang opisyal na magagamit ng mga kabataan ang kanilang natutunan sa tatlong araw na kauna-unahang summer peace camp ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.
Samantala, ang pagiging magalang at pagiging isang responsableng lider ang ilan lamang sa mga natutunan ng mga kabataang kalahok sa nasabing peace camp, sa isinagawang interbyu ng Radyo ng Bayan kasabay na rin ng kanilang pasasalamat sa mga opisyal na nanguna dito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento