DXVL Staff
...
Miyerkules, Abril 27, 2011
No comments
Sampung barangay sa Midsayap tatanggap ng tulong para sa cattle at carabao production
Sampung barangay sa Midsayap, North Cotabato ang nakatakdang tumanggap ng tulong mula sa Deparment of Agriculture sa pamamagitan ng Mindanao Rural Development Program – Adaptable Program Loan Phase 2 (MRDP-APL2) para sa kanilang mga panukalang proyekto na nakatuon sa pag-aalaga at pagpaparami ng kalabaw at baka.
Noong nakaraang linggo, inilunsad ang Community Fund for Agricultural Development (CFAD) sa ilalim ng MRDP-APL2 sa bayan ng Midsayap
Sa pamamagitan ng CFAD naglaan ang DA-MRDP ng kabuuang ondong P2.5 milyon para tustusan ng mga cattle production project ng Barangay Sadaan Farmers’ Association at ang carabao production project ng mga farmers association at rural improvement club ng barangay Milaya, Malamote, Bulanan, Kimagango. Upper Glad 1, Ilbocean, Bitoka, Arizona, at Anonang.
Ang bawat barangay at tatanggap ng tig-P250,000 para sa kanilang proyekto.
Sinabi ni CFAD Focal Person for Region 12 Danilo Centillas, na inaasahan nilang uunlad ang kabuhayan ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng karagdagang kita na hindi bababa sa 20 porsiyento.
Sa project launching, hinikayat din ni Midsayap Mayor Manuel Rabara ang mga miyembro ng farmers association at rural improvement club na pag-isipan ang iba pang proyektong maaring pagkakakitaan katulad ng vermicomposting at backyard gardening maliban sa cattle at carabao production.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento