Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamilya ng OFW na naka-kulong sa Iran pinasalamatan ang pamahalaan

Pinasalamatan ng pamilya ng Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Lalawigan ng Cotabato, ang Pamahalaan dahil sa agarang aksiyon sa kanilang hiling na tulong para sa kapamilyang nakakulong sa bansang Iran dahil sa kaso sa druga.

Tiwala si Emmie Tamonde ng Barangay Noa, ng bayan ng Magpet sa Cotabato na muli nilang makikita ang kanilang kapatid na si Ernie Tamonde, dahil sa ibinigay na tulong ng pamahalaang nasyonal, lokal at ni Senator Francis Chiz Escudero.

Ang misyonerong kapatid ay napawalay sa kanila ng mahigit sampung taon.

Matatandaang hiniling ni Emmie ang tulong ni Senator Escudero sa pamamagitan ni Magpet mayor Efren Pinol at dating Cotabato governor Manny Pinol.

Ito ay positibo ring tinugunan ni Senator Escudero at nangakong personal itong makikipag-ugnayan sa DFA upang makuha ang totoong status ng kaso. Seseguraduhin din umano nito na ang mga karapatan ni Ernie bilang mamamayang Pilipino ay maprotektahan habang tinutulungan ng pamahalaan ang pagsulong ng kaso.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento