Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Poverty situation sa Rehiyon Dose lumala sa huling yugto ng termino ni GMA

Iniulat ng tanggapan ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na lalo pang lumala ang poverty situation ng Rehiyon Dose sa mga huling bahagi ng panunungkulan ng dating Pangulong Arroyo.

Ayon sa ulat ni NSCB 12 coordinator Herlita Caraan, ang pagtaas umano ng mga presyo ng mga batayang pangangailangan ng mga mamimili mula taong 2006 hanggang 2009 ang isa sa mga dahilan kung bakit lalo pang lumala ang poverty incidence sa rehiyon.

Kahit pa man umano, mayroong mga pagtaas sa mga sahod ng mga manggagawa, ito umano ay natatakpan ng inflation rates, kung kayat lalo lamang naging malala ang poverty condition sa rehiyon.

Ang poverty incidence ng rehiyon dose o ang proportion ng mga pamilyang ang per capita income ay mas mababa sa poverty line, ay tinatayang nasa 28.1% noong taong 2009. Ito ay 1% na mas mataas kaysa sa 27.1% noong taong 2006, ayon sa mga datos ng NSCB.

Ang datos na ito ayon sa NSCB ay mangangahulugan na, noong taong 2009, ang isang pamilya na binubuo ng lima katao ay mangangailangan ng buwanang sahod na =P=6,570 upang matugunan ang mga batayang pagkain at non-food needs at makawala sa bigkis ng kahirapan, ayon kay Caraan.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento