DOH 12 naka-Code White Alert
Nagdeklara ng Code White Alert ang pamunuan ang Department of Health sa Rehiyon Dose (DOH 12) kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.
Sa isang panayam , sinabi ni Jenny Ventura, health education specialist ng DOH 12, na kasabay ng Code White Alert, magtatalaga ang mga local health units ng mga assistance center sa mga pangunahing daan sa buong rehiyon upang tumulong o magbigay ng paunang lunas sa mga biyaherong mangangailangan ng tulong.
Inaasahang dadagsa ngayong linggo ang mga mamamayang bibiyahe sa iba’t ibang lugar o uuwi sa kani-kanilang probinsiya.
Inaasahan din ang paglobo ng bilang ng mga maglalakbay sa Miyerkules at Huwebes at sa araw ng Linggo kung kelan inaasaahang magsisibalikan na ang mga nagbabakasyon.
Sa ilalim ng Code White Alert dapat sigurado na sapat ang suplay ng mga gamot lalung lalo na ang trauma medicines sa mga emergency rooms. Dapat sapat din ang suplay na gamot at iba pang kakailanganin sa mga operating room.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento