Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Probinsya ng Cotabato, magpapadala ng mga beauty titlist sa mga national pageants


(Amas, Kidapawan City/July 26, 2012) ---Magpapadala ng mga local beauty titlist sa mga national pageants ang probinsya ng Cotabato sa mga pambansang pageant.

Ito ang inihayag ni Board Member Aireen A. Pagal, Co-Chair ng Comiitee on the Search for Mutya ng Cotabato 2012, sa ginanap na presentation of candidates sa provincial capitol, Amas Kidapawan City kamakailan.

Sa labingdalawang kandidata ngayong taon para sa Mutya ng Cotabato, Pito lamang ang iprinesenta, ito sila Ma. Jemi Keziah Arroyo ng Alamada, Geraldine Claveria ng  Antipas, Micco Jane Kudanding ng Carmen, Jayner Pascual ng Kabacan, Jenny Ann Maghari ng Kidapawan City, Ailyn Cristobal ng Matalam and Reynagine Abalos ng Mlang.


Ayon kay Pagal, tinaasan nila ang age and height requirements ng mga kandidata upang makasunod sa national standards dahil ipapadala ang mananalong kandidata sa pinakamalaking beauty contest dito sa bansa

Sa kagustuhan ni Governor Emmylou “lala” Talino- Mendoza na makilala ang North Coatabato beauties, ang mga kandidata ay iniensayo hindi lamang sa paglakad ng catwalk kundi dinidevelop din ang pagmamalasakit nila sa kanilang kapwa kandidata at pagiging mature at responsableng indibidwal sa pamamagitan ng mga workshops at community expusores. Pinalitan din ngayong taon ang pageant’s swimsuit competition sa playsuit competion

Ang talent night para sa Mutya ng Cotabato 2012 ay magaganap sa August 20, 2012 sa Makilala gymnasion habang ang coronation night naman ay gaganapin sa August 26, sa Midsayap gymnasion.

Ang search for Mutya ng Cotabato 2012 ay kaugnay pa rin sa selebrasyon ng ika 98 anibersaryo ng probinsya ng North Cotabato. (Brex Bryan Nicolas)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento