(Midsayap,
North Cotabato/July 24, 2012) ---Ininspeksyon ng mga kinatawan ng Department of
Public Works and Highways o DPWH at district office ni North Cotabato 1st
District Cong. Jesus Sacdalan ang sitwasyon ng Libungan River sa bahagi ng
Barangay Nalin, Midsayap, North Cotabato.
Kung
matatandaan, Nababahala ang mga residente ng nabanggit na Barangay dahil sa tuloy-
tuloy na pagguho ng pampang ng Libungan River.
Nanganganib na ring mag- collapse
ang drainage canal sa lugar at dagdag pa ang banta ng pagguho sa kinatitirikang
lupa ng kanilang eskwelahan at mga kabahayang malapit sa ilog.
Kaugnay nito, nagsumite na ng
resolusyon ang barangay council sa DPWH at tanggapan ni North Cotabato 1st District
Cong. Jesus Sacdalan upang hilinging maaksyunan ang mga problemang ito.
Ayon sa report ni PPALMA News
correspondent Roderick Bautista, sinabi nibarangay kagawad Mario Villaflor,
ilang mga taniman na rin ng mangga, mais at niyog ang nasira dulot ng
rumaragasang daloy ng tubig mula sa Libungan river.
Ilang kabahayan at mga poste ng kuryente na rin sa lugar ang tuluyang
tinangay ng ilog.
Ipinapaabot ng mga residente ang
kanilang kahilingan na sa lalung madaling panahon ay ito bago pa man mahuli ang
lahat. May dalawang posibleng solusyon na nakikita
ang DPWH Cotabato 2nd District Engineering Office kaugnay ng
problemang ito.
Una,
pag-install ng mga driving sheet piles sa pampang ng ilog at pangalawa ay ang
re- chanelling ng mismong ilog.
Ayon
kay Assistant District Engineer Bartolome Pagaduan, kinakailangan munang ilatag
ang “estimates” sa mga solusyong nabanggit.
Ngunit
tinukoy rin ng opisyal na magsasagawa muna ng kaukulang survey upang alamin ang
“water way” na siyang nagdudulot ng pagguho sa river banks.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento