Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa P170K na halaga ng shabu nasamsam ng mga otoridad mula sa malaking Supplier ng illegal drugs sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/July 27, 2012) ---Nabingwit na ng pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng Kabacan PNP at ng Cotabato Police Public Safety Company, ang sinasabing isa sa mga malaking supplier ng illegal drugs sa Kabacan.

Ito makaraang isinagawa nila ang buybust operation sa pangunguna ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP sa isang bahay sa Abellera St., partikular sa inuupahang boarding house sa likurang bahagi ng Adelaide Oasis boarding House malapit sa harap ng Iglesia Ni Cristo, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:00 kagabi.


Narekober ang tatlong mga plastic heat sealed sachet na naglalaman ng malaking halaga ng shabu, na ayon sa tantsa ng mga otoridad ay abot sa mahigit sa Isang daang libung piso, maliban pa sa cash na narekober kasama ang marked money na abot sa P16,400.00.

Ayon sa caretaker ng bahay na kinilala ng mga pulisya na si Sherry Ann Villanueva, 30, residente ng nabanggit na lugar bago lamang lumipat umano ang mga nahuli na kinilala lang sa pangalang Talumbay Badal kasama ang tatlong mga lalaki at isang dalagita na menor de edad.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa mga nahuli na sinasabing malaking isda na nabingwit nila kagabi sa matagumpay na operasyon kontra pagsawata ng illegal na droga at malinis ang Kabacan sa top illegal traders ng shabu.

Duda si Supiter na may laboratoryo ng illegal na droga, pero kungsaan, tumanggi munang ihayag ng opisyal.

Samantala, sa hiwalay na panayam ngayong umaga kay Police Ins. Tirso Pascual, head ng Task Force Chrislam kung ibebenta ng tingi-tingian aabot sa 150 sachet ng shabu ang posibleng magawa sa repacking ng mga illegal drug traders.

Sinabi ng opisyal na posibleng nagkakahalaga sa P170,000.00 ang naturang shabu na kanilang nakumpiska kagabi sa mga suspek.

Inihahanda na nila ngayon ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 habang nasa kustodiya ng mga pulisya ang suspek. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento