Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Anggulong land conflict at extortion, sinusundang motibo ng mga otoridad sa panibagong pamamaril sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/July 25, 2012) ---Isa umano ang land conflict sa tinitingnang motibo sa panibagong shooting incident sa bayan ng Kabacan na ikinamatay ng isang Jerry Ramos na residente ng Malvar St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ito ang sinabi kahapon ni Supt. Raul Supiter sa panayam ng DXVL News kungsaan ang pangingikil din umano ng mga armadong grupo sa lugar ang posible umanong nakikita din nilang dahilan.

Kung matatandaan binaril ang biktima alas 9:00 kamakalawa ng gabi sa mismong palayan nito sa Sitio Dimas, Brgy. Lower Paatan.

Ito dahil sa tumanggi na umano’y magbigay ng suporta ang biktima mula sa inaaning palay nito, ayon sa report.

Isa din sa tinitingnang anggulo dito ni Supiter ay ang pagbaril din noong nakaraang taon sa ama ng biktima.

Samantala, aminado ngayon ni Supt. Supiter na kulang din maging ang suporta ng mga nakasaksi sa mga pamamaril, ito dahil sa ayaw din umanong makipagtulungan ang mga tao sa lugar.

Nabatid na si Elsie Valmonte ay walang abu-abong binaril sa loob mismo ng Kabacan Public alas 2:00 ng hapon nitong Lunes pero walang makapagsabi sa identity ng suspek, kahit pa man marami ang nakakita nito sa loob ng Wildwest Tailoring kungsaan binaril ang biktima habang natutulog, ayon kay Supt. kaya hirap silang matukoy ang responsable sa nasabing krimen.

Sa kabila ng sunod-sunod na patayan, tiniyak ng opisyal na kontrolado naman nila ang kabuuang peace and order ng Kabacan, pinawi din ni Supiter ang pangamba ng publiko sa seguridad ng bayan, ito dahil sa may mga inilatag na rin silang mga security measures kabilang na dito ang paglalagay ng Check at choke points sa mga exit at entrance point partikular sa Poblacion sa pakikipagtulungan ng mga Cotabato Police Public Safety Company.

Kaugnay nito, hinamon din ng opisyal ang punong ehekutibo ng bayan na tumayo na rin sa nasabing problema at aksyunan mismo ng pamahalaang lokal ang mga sunod-sunod na patayan sa bayan.

Nagpasaring din ang hepe ng pulisya sa lokal na opisyal ng Kabacan na kulang ang ibinibigay nilang suporta sa mga kapulisan pero sa kabila nito, tiniyal ni Supt. Supiter na patuloy pa rin ang kanilang trabaho para mai-address at matugunan ang samu’t-saring krimen sa bayan.

Nagdagdag na rin sila ng tauhan sa Purok Chrislam na siyang sinasabing drug den sa bayan ng Kabacan para lubusan ng malinis ang Kabacan sa illegal na droga partikular na ang talamak na pagtutulak ng shabu. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento