Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Trisikad driver na tulak droga, na-intercept ng mga element ng Kabacan PNP; estudyante ng USM sugatan sa vehicular accident kagabi


(Kabacan, North Cotabato/July 24, 2012) ---Huli ng pinagsanib na pwersa ng mga element ng Kabacan PNP at Cotabato Police Public Safety Company ang isang drug courier na trisikad driver makaraang maintercept ng mga otoridad sa bahagi ng M. H. del Pilar St., Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato bago mag-alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng kabacan PNP ang suspek na si Abdulkadir Gubad Calim, nasa tamang edad at residente ng brgy. Kayaga ng bayang ito.

Nakuha mula sa mismong upuan ng kanyang trisikad na kulay itim na Kawasaki CT100 na may plate # 9965 YV ang mga plastic heat sealed sachet na naglalaman ng white crystalline na pinaniniwalaang shabu.

Si Calim ay hi-nold sa mga pulisya sa isang Oberez Store sa purok Masagana.

Sa ngayon kulungan ang bagsak ng biktima habang inihahanda na ang kasong kakaharapin nito hinggil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, sugatan naman ang isang estudyante ng USM makaraang ma self accident sa harap ng USM Annex Elementary School alas 8:30 kagabi.

Kinilala ni PCI Judernadine Panes ng Kabacan PNP ang biktima na si Jolicies Calderon Magno, 21, 3rd year BSHRM student at residente ng Koronadal city.

Hindi umano namalayan ng biktima na may nakalagay ng sign board na slow down dahilan kung bakit nito nabangga, nagtamo ito ng sugat sa tuhod, kamay at mukha.

Mabilis namang isinugod sa USM Hospital ang biktima para malapatan ng karampatang lunas. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento