(Amas, Kidapawan
City/July 26, 2012) ---Sa
pamamagitan ng tree planting activity ipinagdiriwang ng probinsiya ng North Cotabato ang World
Population Month kasama ang mga kabataan partikular na ang mga day care
pupils upang ipabatid sa mga murang edad
ng mga bata na malaki ang papel na ginagampanan nila sa pangangalaga ng
kalikasan.
Sinabi ngayong umaga ni Population Officer
Junmar Gonzales na nakatuon ang tema ng nasabing selebrasyon sa “Populasyon at
Kapaligiran, Pagyamanin at Pangalagaan” kungsaan isangdaan at limampung mga
seedlings ng Mahogany at Narra ang itinamin ng mga ito noong July 20-23 sa mga
barangay ng Patadon at Amass a Kidapawan City, at Barangay Mangelen sa bayan ng
Libungan.
Layon din ng nasabing aktibidad na maitaas
ang kamalayan ng komunidad partikular na ang mga magulang ng mga bata na
nakiisa din sa nasabing tree planting activity.
Ang mga batang sumailalim sa nasabing
programa buhat sa mga nabanggit na lugar ay binigyan din ng mga school
supplies.
Ang programa ay pinangunahan ng Population
Management Division-Provincial Governor’s Office sa pakikipagtulungan ng Family
Planning Organization of the Philippines at ng Philippine National Police. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento