Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Land Transport Terminals Security System, ilulunsad ngayong araw


(Amas, Kidapawan City/July 26, 2012) ---Pangungunahan  ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang paglulunsad ng Land Transport Terminals Security System sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City alas 9:00 ngayong umaga.

layon ng nasabing programa na mapaigting ang kampanya ng mga otoridad hinggil sa mga banta ng terorismo partikular na sa transportation sektor.

Bibigyang diin sa nasabing kumprehensiya ang paglalagda ng Executive Order na magbibigay ng kaukulang batayan at mga polisiya upang magiging epektibo ang pagpapatupad ng Land Transport Terminals Security System o LTTSS makaraang  maaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato sa bias ng Ordinace No. 507.

Kaugnay nito, ipapahayag din ng gobernadora ang mga nilalaman  ng nasabing executive Order kagaya ng pakikipagtulungan ng bawat stakeholder ng programa bukod pa sa mga ilalatag na seguridad.

Dadaluhan ang nasabing gawain ng iba’t-ibang mga sektor sa probinsiya. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento