Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Probinsiya ng North Cotabato KALASAG Regional Winner


(Amas, Kidapawan City/July 26, 2012) ---Ideneklarang panalo ang Probinsiya ng North Cotabato sa Regional Level ng Gawad KALASAG for Best Provincial DRRMC (Disaster Risk Reduction and Management Council) sa 2012 Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance ng National DRRM Council.

Ito ang inihayag ng tanggapan ni Office of Civil Defense 12 Regional Director Lita B. Enok sa sulat na may petsang July 16, 2012 kungsaan natukoy ang probinsiya ng North Cotabato sa buong Region 12 sa may mataas na rating na 88.61 sa mga sumusunod na areas kagaya ngL Mitigation at Prevention, Preparedness, Response at Recovery at Rehabilitation.


Bilang regional winner, ang PDRRMC ng probinsiya ang kakatawan sa Region XII sa National Level na paglalaban-labanan ng iba pang mga regional winners sa bansa.

Nabatid na nabuo ang nasabing tanggapan nitong Disyembre 3, 2010 kungsaan nakabatay ito sa Republic Act 10121 – an Act Strengthening the Philippine Disaster Risk Reduction and Management System.

Layon nito na lalo pang mapaigting ang malaking papel na ginagampanan ng disaster crisis management, tactical training hinggil sa disaster risk management in bombings, kidnappings at maging ang mga extortions.

Kaugnay nito, naglaan ng P26M ang provincial government para sa
radio communications equipment upang magkaroon ng network to link ang bawat barangay ng munisipyo upang madaling maipabatid ang anumang sakuna o trahedyang di inaasahang mangyayari sa probinsiya. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento