Senate President Juan Ponce
Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating
Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga
kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad
ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang-galang na miyembro ng Kamara de
Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng
ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong
nagseserbisyo sa taumbayan;At sa akin pong mga boss, magandang hapon po.
Ito po ang aking ikatlong SONA,
at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang
sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang
nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa
sistemang panlipunan.
Dalawang taon na ang nakalipas
mula nang sinabi ninyo: Sawa na kami sa korupsyon; sawa na kami sa kahirapan.
Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan.
Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya; naging saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya. Dito napanday ang aking prinsipyo: Kung may inaagrabyado't ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko. Kung may abusado't mapang-api, siya ang lalabanan ko. Kung may makita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito.

Matagal nang tapos ang Batas
Militar. Tinanong tayo: "Kung hindi tayo, sino pa?" at "Kung
hindi ngayon, kailan pa?" Ang nagkakaisang tugon natin: tayo at ngayon na.
Ang demokrasyang ninakaw gamit ang paniniil at karahasan, nabawi na natin sa
mapayapang paraan; matagumpay nating pinag-alab ang liwanag mula sa
pinakamadilim na kabanata ng ating kasaysayan.
Ngunit huwag po nating kalimutan
ang pinag-ugatan ng Batas Militar: Kinasangkapan ng diktador ang Saligang Batas
upang manatili sa kapangyarihan. At hanggang ngayon, tuloy pa rin ang banggaan
sa pagitan ng gusto ng sistemang parehas, laban sa mga nagnanais magpatuloy ng
panlalamang.
Mula sa unang araw ng ating
panunungkulan, walang ibang sumalubong sa atin kundi ang mga bangungot ng
nawalang dekada.
Nariyan po ang kaso ng North
Rail. Pagkamahal-mahal na nga nito, matapos ulitin ang negosasyon, nagmahal pa
lalo. Sa kabila nito, binawasan ang benepisyo. Ang labingsiyam na trainsets
naging tatlo, at ang mga stasyon, mula lima naging dalawa. Ang masaklap po,
pinapabayaran na sa atin ang utang nito, now na.
Nariyan ang walang pakundangang
bonus sa ilang GOCC, sa kabila ng pagkalugi ng kanilang mga ahensya. Nariyan
ang isang bilyong pisong pinasingaw ng PAGCOR para sa kape. Nariyan ang
sistemang pamamahala sa PNP na isinantabi ang pangangailangan sa armas ng 45
percent ng kapulisan, para lang kumita mula sa lumang helicopter na binili sa
presyong brand new.
Wala na ngang iniwang
panggastos, patung-patong at sabay-sabay pa ang mga utang na kailangang bayaran
na. Mahaba ang iniwang listahan na tungkulin nating punan: Ang 66,800 na
backlog sa classroom, na nagkakahalaga ng tinatayang 53.44 billion pesos; ang
2,573,212 na backlog sa mga upuan, na nagkakahalaga naman ng 2.31 billion pesos.
Nang dumating tayo, may halos tatlumpu't anim na milyong Pilipinong hindi pa
miyembro ng PhilHealth. Ang kailangan para makasali sila: maaaring umabot sa 42
billion pesos. Idagdag pa po natin sa lahat ng iyan ang 103 billion pesos na
kailangan para sa modernisasyon ng Hukbong Sandatahan. Sa harap ng lahat ng
ito, ang iniwan sa ating pondo na malaya nating magagamit: 6.5 percent ng
kabuuang budget para sa natitirang anim na buwan ng 2010. Para po tayong
boksingerong isinabak sa laban nang nakagapos na nga ang mga kamay at paa,
nakapiring pa ang mga mata, at kakampi pa ng kalaban ang referee at ang mga
judge.
Kaya nga sa unang tatlong buwan
ng aming panunungkulan, inaabangan namin ang pagdating ng Linggo para maidulog
sa Panginoon ang mga bangungot na humarap sa amin. Inasahan naming
mangangailangan ng di bababa sa dalawang taon bago magkaroon ng makabuluhang
pagbabago. Bibigyan kaya tayo ng sapat na pag-unawa ng taumbayan?
Subalit kung may isang bagay
mang nakatatak na sa ating lahi, at makailang ulit na nating pinatunayan sa
buong mundo: Walang hindi makakaya ang nagkakaisang Pilipino. Nangarap po tayo
ng pagbabago; nakamit natin ang pagbabago; at ngayon, karaniwan na ito.
Ang kalsadang pinondohan ninyo
ay tuwid, patag, at walang bukol; ang tanging tongpats ay aspalto o semento.
Karaniwan na ito.
Ang sitwasyon kung paparating
ang bagyo: nakaabang na ang relief, at hindi ang tao ang nag-aabang ng relief.
Nag-aabang na ring umalalay ang rescue services sa taumbayan, at hindi
tayo-tayo lang din ang sumasaklolo sa isa't isa. Karaniwan na ito.
Ang wang-wang sa lansangan,
galing na lang sa pulis, ambulansya, o bumbero-- hindi sa opisyal ng gobyerno.
Karaniwan na ito. Ang gobyernong dating nang-aabuso, ngayon, tunay na kakampi
na ng Pilipino.
Nagpatupad po tayo ng reporma: tinanggal ang gastusing hindi kailangan, hinabol ang mga tiwali, at ipinakita sa mundong open for business under new management na ang Pilipinas.
Nagpatupad po tayo ng reporma: tinanggal ang gastusing hindi kailangan, hinabol ang mga tiwali, at ipinakita sa mundong open for business under new management na ang Pilipinas.
Ang dating sick man of Asia,
ngayon, punung-puno na ng sigla. Nang nagkaroon tayo ng positive credit rating
action, ang sabi ng iba, tsamba. Ngayong walo na, tsamba pa rin kaya? Sa
Philippine Stock Exchange index, nang una nating nahigitan ang 4,000, may mga
nagduda. Ngayon, sa dami ng all-time high, pati economic managers, nahirapan
yata sa pagbilang: nakaka-apatnapu't apat na pala tayo, at bihira nang bumaba
sa 5,000 ang index. Nitong first quarter ng 2012, ang GDP growth natin, 6.4
percent; milya-milya ang layo niyan sa mga prediksyon, at pinakamataas sa buong
Southeast Asian region; pangalawa po ito sa Asya, sunod sa China. Kung dati
tayo ang laging nangungutang, ngayon, hindi po birong tayo na ang nagpapautang.
Dati, namamalimos tayo ng investments; ngayon, sila ang dumadagsa. Ang mga
kumpanyang Hapon, ang sabi ay, "Baka gusto n'yo kaming silipin. Hindi nga
kami ang pinakamura, pero una naman kami sa teknolohiya." Pati pinuno ng
isang bangko sa Inglatera, nakikiusap maisali sa pila.
Sa bawat sulok ng mundo,
nagpapakita ng paghanga ang mga komentarista. Ayon sa Bloomberg Business Week,
"Keep an eye on the Philippines." Ang Foreign Policy Magazine, pati
isa sa mga pinuno ng ASEAN 100, nagsabing maaari daw tayong maging "Asia's
Next Tiger." Sabi ni Ruchir Sharma, pinuno ng Emerging Market Equities and
Global Macro ng Morgan Stanley, "The Philippines is no longer a
joke." At mukha naman pong hindi siya nambobola, dahil tinatayang isang
bilyong dolyar ang ipinasok ng kanyang kumpanya sa ating bansa. Sana nga po,
ang kaliwa't kanang paghanga ng taga-ibang bansa, masundan na ng lokal na
tagapagbalita.
Sinisiguro po nating umaabot ang kaunlaran sa mas nakararami. Alalahanin po natin: Nang mag-umpisa tayo, may 760,357 na kabahayang benepisyaryo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Tinarget natin itong paabutin sa 3.1 million sa loob ng dalawang taon. Pebrero pa lang po ng taong ito, naiparehistro na ang ikatlong milyong kabahayang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya. Sa susunod na taon naman, palalawakin pa natin ang sakop nito sa 3.8 million; limang beses po ang laki niyan sa dinatnan natin.

Pangmatagalan po ang impact ng
proyektong ito. Hindi pa kumpleto ang mga pag-aaral, pero ngayon pa lang,
maganda na ang ipinapakita ng numero. Base sa listahan ng DSWD: May 1,672,977
na mga inang regular nang nagpapacheck-up. 1,672,814 na mga batang
napabakunahan laban sa diarrhea, polio, tigdas at iba pa. 4.57 million na
estudyanteng hindi na napipilitang mag-absent dahil sa kahirapan.
Sa kalusugan naman po: Nang dumating tayo, animnapu't dalawang porsiyento lamang ng mga Pilipino ang naka-enrol sa PhilHealth. Ang masaklap, hindi pa masiguro kung lahat sila ay kabilang sa mga totoong nangangailangan ng kalinga ng estado, o buwenas lang na malapit sa politiko. Ngayon po, 85 percent ng lahat ng mamamayan, miyembro na nito. Ang ibig pong sabihin, 23.31 million na Pilipino ang naidagdag sa mga saklaw ng Philhealth mula nang bigyan tayo ng mandato.
Ang maganda pa rito: ang 5.2 million na pinakamahirap na kabahayang tinukoy ng ating National Household Targeting System, buong-buo at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. Dahil sa No Balance Billing policy ng Department of Health, ang lunas para sa dengue, pneumonia, asthma, katarata, gayundin ang pagpapagamot sa mga catastrophic disease tulad ng breast cancer, prostate cancer, at acute leukemia, makukuha na nang libre ng mga pinakamahirap nating kababayan.

Ito po ang proseso ng
pagpapagamot para sa kanila: Papasok ka sa alinmang ospital ng gobyerno.
Ipapakita mo ang iyong PhilHealth card. Magpapagamot ka. At uuwi kang maginhawa
nang walang inilalabas ni isang kusing.
Sabi nga po sa isa sa mga
briefing na dinaluhan natin, apat sa sampung Pilipino, hindi man lamang
nakakakita ng health professional sa tanang buhay nila. Sa iba po, mas malaki
pa: may nagsasabing anim sa bawat sampung Pilipino ang pumapanaw nang malayo sa
kalinga ng health professional. Anuman ang ating pagbatayan, hindi po
maikakaila: nakakabahala ang bilang ng mga Pilipinong hindi naaabot ng
serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan. Tinutugunan na po natin ito. Mula sa
sampung libo noong dumating tayo, umabot na sa 30,801 ang mga nurse at midwife
na ating nai-deploy sa ilalim ng RNHeals Program. Idagdag pa po natin sa kanila
ang mahigit labing-isang libong Community Health Teams na nagsisilbing tulay
upang higit na mapatibay ang ugnayan ng mga doktor at nurse sa komunidad.
At kung dati tutungo lamang ang
mga nurse kung saan makursunadahan, ngayon, dahil sa tamang targeting, kung
saan sila kailangan, doon sila ipinapadala: sa mga lugar na matagal nang naiwan
sa laylayan ng lipunan. Ipinadala po ang ating mga health professional sa 1,021
na pook na saklaw ng Pantawid Pamilya, at sa 609 na pinakamahihirap na lungsod
at munisipyo, ayon sa pag-aaral ng National Anti-Poverty Commission.
Dalawang problema po ang
natutugunan nito: bukod sa nagkakatrabaho at nabibigyan ng work experience ang
libu-libong nurse at midwife na dati ay walang mapaglaanan ng kanilang
kaalaman, nagiging abot-kamay din ang de-kalidad na kalinga para sa
milyun-milyon nating kababayan.
Subalit hindi po tayo
makukuntento rito, dahil ang hangad natin: kalusugang pangkalahatan. Nagsisimula
ito, hindi sa mga pagamutan, kundi sa loob mismo ng kanya-kanya nating tahanan.
Ibayong kaalaman, bakuna, at check-up ang kailangan upang mailayo tayo sa
karamdaman.
Dagdag pa po diyan ang pagsisikap nating iwasan ang mga sakit na puwede namang iwasan.
Halimbawa: Nabanggit ko ang mosquito traps kontra dengue noong nakaraang taon. Maaga pa para sabihing siguradong-sigurado na tayo, pero nakaka-engganyo po ang mga paunang resulta nito.

Sinubok natin ang bisa ng
mosquito traps sa mga lugar kung saan naitala ang pinakamataas na insidente ng
dengue. Sa buong probinsya ng Bukidnon noong 2010, may 1,216 na kaso. Nang
inilagay ang mga mosquito trap noong 2011: bumaba ito sa tatlumpu't pito; 97
percent reduction po ito. Sa bayan ng Ballesteros at Claveria sa Cagayan, may
228 na kaso ng dengue noong 2010. Pagdating ng 2011, walo na lang ang naitala.
Sa Catarman, Northern Samar: 434 na kaso ng dengue noong 2010, naging apat na
lang noong 2011.
Panimulang pag-aaral pa lamang
po ito. Pero ngayon pa lang, marapat na yata nating pasalamatan sina Secretary
Ike Ona ng DOH at Secretary Mario Montejo ng DOST, para naman ganahan silang
lalong magsaliksik at mag-ugnayan.
Marami pa po tayong kailangang
solusyonan. Nakakabahala ang mataas pa ring maternal mortality ratio ng bansa.
Kaya nga po gumagawa tayo ng mga hakbang upang tugunan ang pangangailangan sa
kalusugan ng kababaihan. Nais din nating makamit ang Universal Health Care, at
magkaroon ng sapat na kagamitan, pasilidad, at tauhan ang ating mga
institusyong pangkalusugan.
Sa pagtugon natin sa mga ito,
malaki ang maiaambag ng Sin Tax Bill. Maipasa na po sana ito sa lalong madaling
panahon. Mababawasan na ang bisyo, madadagdagan pa ang pondo para sa kalusugan.
Ano naman kaya ang sasalubong sa kabataan pagpasok sa paaralan? Sa lilim ng puno pa rin kaya sila unang matututo ng abakada? Nakasalampak pa rin kaya sila sa sahig habang nakikipag-agawan ng textbook sa kaklase nila?

Matibay po ang pananalig natin
kay Secretary Luistro: Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana
nating 66,800 na kakulangan sa silid-aralan. Ang minana po nating 2,573,212 na
backlog sa upuan, tuluyan na rin nating matutugunan bago matapos ang 2012. Sa
taon din pong ito, masisimot na rin ang 61.7 million na backlog sa textbook
upang maabot na, sa wakas, ang one is to one ratio ng aklat sa mag-aaral. Sana
nga po, ngayong paubos na ang backlog sa edukasyon, sikapin nating huwag uling
magka-backlog dahil sa dami ng estudyante. Sa tingin ko po, Responsible
Parenthood ang sagot dito.
At para naman po hindi
mapag-iwanan ang ating mga State Universities and Colleges, mayroon tayong
panukalang 43.61 percent na pag-angat sa kanilang budget para sa susunod na
taon.
Paalala lang po: lahat ng ginagawa natin, may direksyon; may kaakibat na kondisyon ang dagdag-budget na ito. Kailangang ipatupad ang napagkasunduang SUC Reform Roadmap ng CHED, upang siguruhing de-kalidad ang magiging produkto ng mga pamantasang pinopondohan ng estado. Kung mataas ang grado ninyo sa assignment na ito, asahan ninyong dodoblehin din namin ang kayod para matugunan ang mga natitirang pangangailangan ninyo.

Panay addition po ang nagaganap
sa ating budget sa edukasyon. Isipin po ninyo: ang budget ng DepEd na ipinamana
sa atin noong 2010, 177 billion pesos. Ang panukala natin para sa 2013: 292.7
billion pesos. Noong 2010, 21.03 billion pesos ang budget para sa SUCs. Taunan
po iyang dinagdagan upang umabot na sa 37.13 billion pesos na panukala natin
para sa 2013. Sa kabila nito, ngayon pa lang, may nagpaplano nang
magcutting-classes para mag-piket sa Mendiola. Ganito po kasimple: ang 292.7 ay
mas malaki sa 177, at ang 37.13 ay mas malaki sa 21.03. Kaya kung may magsabi
pa ring binawasan natin ang budget ng edukasyon, kukumbinsihin na lang namin
ang inyong mga paaralan na maghandog ng remedial math class para sa inyo. At
pakiusap po, pasukan naman ninyo.
Nang maupo tayo, at masimulan ang makabuluhang reporma, minaliit ng ilan ang pagpapakitang-gilas ng pamahalaan. Kundi raw buwenas, ningas-kugon lang itong mauupos rin paglaon. May ilan pa rin pong ayaw magretiro sa paghahasik ng negatibismo; silang mga tikom ang bibig sa good news, at ginawang industriya ang kritisismo.

Kung may problema kayo na bago
matapos ang taon, bawat bata ay may sarili nang upuan at aklat, tingnan ninyo
sila, mata sa mata, at sabihin ninyong: "Ayaw kong makapag-aral ka."
Kung masama ang loob ninyo na
ang 5.2 million na pinakamahihirap na kabahayang Pilipino ay maaari nang
pumasok sa ospital nang hindi iniintindi ang gastos sa pagpapagamot, tingnan
ninyo sila, mata sa mata, at sabihin ninyong: "Ayaw kong gumaling
ka."
Kung nagagalit kayo na may
tatlong milyong pamilyang Pilipino nang tumutungo sa katuparan ng kanilang mga
pangarap dahil sa Pantawid Pamilya, tingnan ninyo sila, mata sa mata, at
sabihin ninyong: "Ibabalik ko kayo sa kawalan ng pag-asa."
Tapos na ang panahon kung kailan choice lang ng makapangyarihan ang mahalaga. Halimbawa, ang dating namumuno sa TESDA, nagpamudmod ng mga scholarship voucher; ang problema, wala palang nakalaang pondo para rito. Natural, tatalbog ang voucher. Ang napala: 2.4 billion pesos ang sinisingil ng mahigit isanlibong eskwelahan mula sa pamahalaan. Nagpapogi ang isang tao't isang administrasyon; sambayanang Pilipino naman ang pinagbabayad ngayon.

Pumasok si Secretary Joel
Villanueva; hindi siya nagpasindak sa tila imposibleng pagbabagong dapat
ipatupad sa kanyang ahensya. Sa kabila ng malaking utang na minana ng TESDA,
434,676 na indibidwal pa rin ang kanilang hinasa sa ilalim ng Training for Work
Scholarship Program. Kongkretong tagumpay din po ang hatid ng TESDA Specialista
Technopreneurship Program. Biruin po ninyo: Bawat isa sa 5,240 na sertipikadong
Specialistas, kumikita na ngayon ng 562 pesos kada araw o 11,240 pesos kada
buwan. Mas malaki po ito sa minimum wage.
Mula sa pagka-sanggol, hanggang sa pagkabinata, gumagana na ang sistema para sa mamamayan. Sinisiguro nating manganganak ng trabaho ang pagsigla ng ating ekonomiya.
Mula sa pagka-sanggol, hanggang sa pagkabinata, gumagana na ang sistema para sa mamamayan. Sinisiguro nating manganganak ng trabaho ang pagsigla ng ating ekonomiya.
Alalahanin po natin: para
tumabla lang, kailangang makalikha ng isang milyong bagong trabaho para sa mga
new entrants kada taon. Ang nalikha po natin sa loob ng dalawang taon: halos
3.1 million na bagong trabaho.
Ito po ang dahilan kung bakit
pababa nang pababa ang unemployment rate sa bansa. Nang dumating tayo, eight
percent ang unemployment rate. Naging 7.2 ito noong Abril ng 2011, at bumaba pa
lalo sa 6.9 ngayong taon. Di ba makatwirang mangarap na balang araw, bawat
Pilipinong handang magbanat ng buto, may mapapasukang trabaho?
Tingnan na lamang po natin ang
BPO sector. Noong taong 2000, limanlibo katao lang ang nae-empleyo sa
industriyang ito. Fast forward po tayo: 638,000 katao na ang nabibigyang
trabaho ng mga BPO, at labing-isang bilyong dolyar ang ipinasok nito sa ating
ekonomiya noong 2011.
Ang projection nga po, pagdating ng 2016, 25 billion dollars na ang maipapasok nito, at makakapag-empleyo na ng 1.3 million na Pilipino. Hindi pa po kasama rito ang tinatayang aabot sa 3.2 million na mga taxi driver, barista, mga sari-sari store, karinderya, at marami pang ibang makikinabang sa mga indirect jobs na malilikha dahil sa BPO industry.
Malaking bahagi din po ng ating job generation strategy ang pagpapatayo ng sapat na imprastruktura. Sa mga nakapagbakasyon na sa Boracay, nakita na naman ninyo ang bagong-binyag nating terminal sa Caticlan. Nakalatag na rin po ang plano upang palawakin ang runway nito.

Magkakaroon pa po ng mga kapatid
iyan: bago matapos ang aking termino, nakatayo na ang New Bohol Airport sa
Panglao, New Legaspi Airport sa Daraga, at Laguindingan Airport sa Misamis
Oriental. Ia-upgrade na rin po natin ang ating international airports sa
Mactan, Puerto Princesa, at Tacloban. Dagdag pa po diyan ang pagpapaganda ng
mga airport sa Butuan, Cotabato, Dipolog, Pagadian, Tawi-Tawi, Southern Leyte,
at San Vicente sa Palawan.
Pang-apat na Pangulo na po akong
sasalo sa problema ng NAIA 3. Hindi lang po eroplano ang nag-take-off at
nag-landing dito: maging mga problema't anomalya, lumapag din. Nagbitiw na po
ng salita si Secretary Mar Roxas: bago tayo magkita sa susunod na SONA,
maisasaayos na ang mga structural defects na minana natin sa NAIA 3.
Nitong Hunyo po, nagsimula na
ring umusad ang proseso para sa LRT Line 1 Cavite Extension project, na
magpapaluwag ng trapik sa Las Piñas, Parañaque, at Cavite. Dagdag pa diyan,
para lalong mapaluwag ang traffic sa Kamaynilaan at mapabilis ang pagtawid mula
North Luzon hanggang South Luzon Expressway, magkakaroon ng dalawang elevated
NLEX-SLEX connector. Matatapos po ang mga ito sa 2015. Magiging 1 hour and 40
minutes na lang ang biyaheng Clark papuntang Calamba oras na makumpleto ang mga
ito. Bago tayo bumaba sa puwesto, nakatayo na rin ang mga de-kalidad na
terminal sa Taguig, Quezon City, at Parañaque na paparadahan ng bus biyaheng
probinsya, upang hindi na sila makisiksik sa EDSA.
Nagbago na po ang takbo ng
usapan tungkol sa ahensyang dati'y itinuturing na pugad ng kapalpakan. Naalala
ko po dati: Kapag tag-ulan at umapaw ang Tarlac River, nalulunod ang MacArthur
Highway. Tutunawin nito ang aspalto; magbabaku-bako ang kalsada hanggang sa
tuluyan na nga itong mawala. Bilang kinatawan ng aking distrito, inireklamo ko
po ito. Ang tugon ng DPWH: alam namin ang problema, alam namin ang solusyon,
pero wala kaming pera. Kinailangan ko pang makiusap sa aking mga barangay:
"Kung hindi natin ito uunahin, walang gagawa nito, at tayo rin ang
mapeperhuwisyo." Dati, panay ang "hoy gising!" sa gobyerno,
bakit wala daw kasing ginagawa. Ngayon ang reklamo, "sobra namang trapik,
ang dami kasing ginagawa." Paalala lang din po: naisasaayos natin ang mga
kalsadang ito nang hindi nagtataas ng buwis.
Bubuo tayo ng mga daanan, hindi
ayon sa kickback o kursonada, pero ayon sa isang malinaw na sistema. Dahil
hindi na bara-bara ang paglalagak natin ng pondo para sa mga proyekto, hindi na
ito mapapako sa plano, totoong kalsada na ang pakikinabangan ng Pilipino. Nang
maupo po tayo sa puwesto, 7,239 kilometers sa ating national road network ang
hindi pa naisasaayos. 1,569 kilometers na nito ang naipaayos natin sa ilalim ng
pamamahala ni Secretary Babes Singson; sa 2012-- 2,275 kilometers pa ang
maidadagdag na natapos. Pati po ang mga kalsada at kurbadang mapanganib,
tinutukoy at inaayos na gamit ang teknolohiya. Taun-taon po nating bubunuin
ito, upang bago matapos ang aking termino, bawat pulgada ng ating national road
network, maayos na.
Hindi lang kalsada, kundi pati
sistema, isinasaayos sa DPWH. Dahil sa pagsunod sa tamang proseso ng bidding at
procurement, 10.6 billion pesos na ang natipid ng kanilang ahensya mula 2011
hanggang nitong Hunyo. Maging mga kontratista, batid ang positibong bunga ng
reporma sa DPWH. Sabi nga ng nila, "ang top 40 na kontratista, fully
booked na."
Sana po hindi maantala ang
pagpapatayo natin ng iba pang imprastraktura para hindi rin mapurnada ang
paglago ng ibang industriya.
Kaakibat ng pagpapaunlad ng imprastruktura ang paglago ng turismo. Isipin po ninyo: Noong 2001, ang tourist arrivals sa ating bansa, 1.8 million. Nang dumating po tayo noong 2010, naglalaro ito sa 3.1 million. Mantakin po ninyo: sa hinaba-haba ng kanilang administrasyon, ang naidagdag nilang tourist arrivals, 1.3 million lamang; may ambag pa kaming kalahating taon diyan. Tayo naman po, Hunyo pa lang ng 2012-- 2.1 million na turista na ang napalapag. Mas marami pang dadagsa sa peak season bago matapos ang taon, kaya hindi ako nagdududang maaabot natin ang quota na 4.6 million na turista para sa 2012. Ibig sabihin: 1.5 million na turista ang ating maidadagdag. Samakatuwid, sa dalawang taon, mas malaki ang magiging paglago ng ating tourist arrivals, kumpara sa naidagdag ng pinalitan natin sa loob ng siyam na taon. Hindi po tayo nagtataas ng bangko; nagsasabi lang po tayo ng totoo.

Pero hindi nakuntento rito si
Secretary Mon Jimenez. Sabi niya, kung sa Malaysia may bumisitang 24.7 million
na turista noong 2011, at kung sa Thailand naman tinatayang 17 million, sa
dinami-rami ng magagandang tanawin sa ating bansa, hindi naman siguro suntok sa
buwan kung mangarap tayong pagdating ng 2016, sampung milyong turista na ang
bibisita sa Pilipinas kada taon. Kung patuloy na magkakaisa ang sambayanang
Pilipino, gaya ng ipinamalas natin nang hirangin ang Puerto Princesa
Underground River bilang isa sa New Seven Wonders of Nature, walang dudang
makakamtan natin ito. Ang pahayag nga po natin sa daigdig: "It's more fun
in the Philippines." Kahit wala pang isang taon sa puwesto si Secretary
Mon Jimenez, nagagapas na natin ang positibong bunga ng ating mga naipunlang
reporma. Masasabi nga po nating pagdating sa turismo, "It's really more
fun-- to have Secretary Mon Jimenez."
Kung paglago po ang usapan, nasa tuktok ng listahan ang agrikultura. Kayod-kalabaw po si Secretary Alcala upang makapaghatid ng mabubuting balita. Dati, para bang ang pinapalago ng mga namumuno sa DA ay ang utang ng NFA. 12 billion pesos ang minana nilang utang; ang ipinamana naman nila sa atin, 177 billion pesos.

Hindi po ba’t noon, pinaniwala
tayo na 1.3 million metric tons ang kakulangan sa bigas, at para tugunan ito,
di bababa sa 2 million metric tons ang kanilang inangkat. Parang unlimited rice
sila kung maka-order ng bigas, pero dahil sobra-sobra, nabubulok lang naman ito
sa mga bodega. Ang 1.3 million metric tons, unang taon pa lang, napababa na
natin sa 860,000 metric tons.
Ngayong taon, 500,000 na lang, kasama pa ang buffer sakaling abutin tayo ng bagyo. Huwag lang po tayong pagsungitan ng panahon, harinawa, sa susunod na taon ay puwede na tayong mag-export ng bigas.
Ngayong taon, 500,000 na lang, kasama pa ang buffer sakaling abutin tayo ng bagyo. Huwag lang po tayong pagsungitan ng panahon, harinawa, sa susunod na taon ay puwede na tayong mag-export ng bigas.
Ang sabi po ni Secretary Alcala:
ang susi dito, makatotohanang programa sa irigasyon, at masigasig na
implementasyon ng certified seeds program. Ang masakit po, hindi bagong
kaalaman ito; hindi lang ipinapatupad. Kung dati pa sila nagtrabaho nang
matino, nasaan na kaya tayo ngayon?
Tingnan rin po natin ang
industriya ng niyog. Ang cocowater na dati tinatapon lang, ngayon,
napapakinabangan na ng magsasaka. Noong 2009-- 483,862 liters ng cocowater ang
iniluwas natin. Umangat po ito ng 1,807,583 liters noong 2010. Huwag po kayong
magugulat: noong 2011-- 16,756,498 liters ng cocowater ang inexport ng
Pilipinas. Ang coco coir naman, kung dati walang pumapansin, ngayon may
shortage na dahil pinapakyaw ng mga exporter. Hindi natin sasayangin ang
pagkakataong ito: bibili pa tayo ng mga bagong makinang magpoproseso ng bunot
para makuha ang mga hibla. Sa susunod na taon, lalo nating mapapakinabangan ang
industriya ng niyog: Naglaan na tayo ng 1.75 billion pesos upang mamuhunan at
palaguin ito.
Sinimulan po ng aking ina ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Nararapat lamang na matapos ang programang ito sa panahon ng aking panunungkulan.
Sinimulan po ng aking ina ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Nararapat lamang na matapos ang programang ito sa panahon ng aking panunungkulan.
Isinasaayos na po ang sistema
upang mapabilis ang pagpapatupad ng repormang agraryo. Ginagawa ng pamahalaan
ang lahat ng hakbang upang maipamahagi sa ating mga magsasaka ang mga lupaing
diniligan at pinagyaman ng kanilang pawis. Subalit mayroon pa rin pong ayaw
paawat sa pagtatanim ng mga balakid. Ang tugon ko sa kanila: susunod tayo sa
batas. Ang atas ng batas, ang atas ng taumbayan, at ang atas ko: Bago ako
bumaba sa puwesto, naipamigay na dapat ang lahat ng lupaing sakop ng CARP.
Liwanagin naman po natin ang nangyayari sa sektor ng enerhiya. Mantakin po ninyo: Dati, umabot lang ang kawad ng kuryente sa barangay hall, energized na raw ang buong barangay. Kaya ganun-ganun na lang kung ipagmalaki nilang 99.98 percent na raw ng mga barangay sa bansa ang may kuryente. Pati ba naman sa serbisyong dapat ay matagal nang napapakinabangan ng Pilipino, nagkakagulangan pa? Kaya nga po, para subukan ang kakayahan ng DOE at NEA, naglaan tayo ng 1.3 billion pesos para pailawan ang unang tinarget na 1,300 sitios, sa presyong isang milyong piso bawat isa. Nang matapos sila, ang napailawan sa inilaan nating pondo: 1,520 sitios, at gumastos lamang sila ng 814 million pesos. Nagawa nila ito sa loob lamang ng tatlong buwan, na dati’y inaabot ng dalawang taon. Kay Secretary Rene Almendras, bilib talaga ako sa iyo; parang hindi ka nauubusan ng enerhiya. Sa paghahatid-serbisyo, hindi ka lang eveready, nagmistulang energizer bunny ka pa-- you keep on going, and going, and going.
Nangingibabaw na nga po ang liwanag sa ating bayan-- liwanag na nagsiwalat sa krimeng nagaganap sa madidilim na sulok ng lipunan. Ang pinagsisikapang kitain ng Pilipino, hindi na magagantso. Patuloy po ang pagbaba ng crime volume sa buong bansa. Ang mahigit limandaan libong krimen na naitala noong 2009, mahigit kalahati po ang nabawas: 246,958 na lamang iyan nitong 2011. Dagdag pa rito: ang dating dalawanlibo't dalawandaang kaso ng carnapping noong 2010, lampas kalahati rin ang ibinaba: 966 na lang po iyan pagdating ng 2011.

Ito nga po sana ang dalhin ng
ating mga headline. Hindi po natin sinasabing wala nang krimeng nagaganap, pero
palagay ko naman po, wala dapat magalit na nangalahati na ito. Si Raymond
Dominguez na matagal nang labas-masok sa kulungan, hindi ba't sa loob lamang ng
mahigit isang taon, nasentensyahan at naipakulong na? Ang dalawa pa niyang
kapatid ay sinampahan na rin natin ng kaso at kasalukuyan na ring nakabilanggo.
May dalawang suspect sa bus bombing sa Makati noong nakaraang taon, ang isa
patay na; yung isa, humihimas na ng rehas. Kakosa niya ang mahigit sampung libong
sangkot sa ilegal na droga na inaresto ng PDEA nitong 2011.
Alam po nating hindi araw-araw
ang laban ni Pacman, at hindi puwedeng iasa dito ang pagbaba ng krimen. Kaya
nga po pinalalakas natin ang puwersa ng kapulisan. Di po ba, nang dumating
tayo, apatnapu’t limang porsyento ng ating kapulisan ang walang baril at umaasa
sa anting-anting habang tumutugis ng masasamang-loob? May nanalo na po sa
bidding, tinitiyak na lamang nating de-kalidad ang kanilang mga produkto.
Pagkatapos ng proseso, maipagkakaloob na ang 74,600 na baril na magagamit nila
upang ipagtanggol at alagaan ang bayan, lipunan, at sarili.
Dumako naman po tayo sa usapin ng pambansang tanggulan. May mga nagsabi nga po na ang ating Air Force, all air, at no force. Imbes na alagaan ng estado, para bang sinasadyang ilagay sa alanganin ang ating mga sundalo. Hindi po tayo makakapayag na manatiling ganito.
Makalipas nga lang po ang isang taon at pitong buwan, nakapaglaan na tayo ng mahigit dalawampu’t walong bilyong piso para sa AFP Modernization Program. Aabutan na nito ang tatlumpu’t tatlong bilyong pisong pondo na ipinagkaloob sa nasabing programa sa nakalipas na labinlimang taon. Bumubuwelo pa lang po tayo sa lagay na iyan: kapag naipasa na ang panukala nating AFP modernization bill sa Kongreso, makakapaglaan tayo ng pitumpu’t limang bilyong piso para sa susunod na limang taon.

Kasado na rin po ang tatlumpung
milyong dolyar na pondong kaloob ng Estados Unidos para sa Defense Capability
Upgrade and Sustainment of Equipment Program ng AFP. Bukod pa po ito sa tulong
nila upang pahusayin pa ang pagmanman sa ating mga baybayin sa ilalim ng
itatayong Coast Watch Center ng Pilipinas.
Nagka-canvass na rin po ang
Sandatahang Lakas ng mga kagamitan tulad ng mga kanyon, personnel carrier, at
frigate. Hindi magtatagal, dadaong na ang karelyebo ng BRP Gregorio del Pilar
sa ating pampang. Sa Enero, aangkla na po sa Pilipinas ang BRP Ramon Alcaraz,
ang pangalawa nating Hamilton class cutter. Di na po bangkang papel ang ating
ipapalaot; ngayon, mga hi-tech at de-kalidad na barko na ang tatanod sa 36,000
kilometers nating coastline.
Mainam na rin po siguro kung
maglinis-linis na ng mga hangar ang ating Sandatahang Lakas, dahil darating na
ang mga kagamitang lalong magpapatikas sa ating tanggulan. Sa wakas, may katuwang
na po ang kaisa-isa nating C-130 na tatlumpu't anim na taon nang rumoronda sa
himpapawid: dalawa pang C-130 ang magiging operational ulit. Bago matapos ang
taong ito, inaasahan nating mai-dedeliver na ang binili nating dalawampu't
isang refurbished UH-1H Helicopter, apat na combat utility helicopters, mga
radyo at iba't ibang communication equipment, rifles, mortars, mobile
diagnostic laboratories, kasama pa ang station bullet assembly. Pagdating naman
po ng 2013, lalapag na ang sampung attack helicopters, dalawang naval
helicopters, dalawang light lift aircraft, isang frigate, at mga force
protection equipment.
At hindi lang po natin sa armas ipinaparamdam ang pagkalinga sa ating pulis at kasundaluhan.
Nabawasan na rin po ang mga pasanin nila sa pamumuhay dahil sa mahigit dalawampu't dalawang libong bahay ang naipatayo na sa ilalim ng AFP-PNP housing program.

Hindi po ito tungkol sa
pakikipag-girian o pakikipagmatigasan. Hindi ito tungkol sa pagsisiga-sigaan.
Tungkol ito sa pagkamit ng kapayapaan. Tungkol ito sa kakayahan nating
ipagtanggol ang ating sarili-- isang bagay na kaytagal nating inisip na
imposible. Tungkol po ito sa buhay ng isang sundalong araw-araw sumasabak sa
peligro; tungkol ito sa pamilya niyang nag-aabang na makabalik siyang ligtas,
ano man ang kanyang makaharap.
At ngayon ngang inaaruga na sila ng taumbayan, lalo namang ginaganahan ang ating kasundaluhan na makamtan ang kapayapaan. Tagumpay pong maituturing ang dalawandaan at tatlong rebeldeng sumuko at nagbabalik-loob na sa lipunan, at ang 1,772 na bandidong nawakasan na ang karahasan. Halimbawa po ang kilabot na teroristang si Doctor Abu, na hindi na makakapaghasik ng lagim. Nagpupugay rin po tayo sa panunumbalik ng katahimikan sa mga lugar na matagal nang biningi ng putukan. Ang resulta nga po ng bayanihan: 365 na barangay ang naagaw sa kamay ng kaaway, 270 na gusali't paaralan ang naipaayos, at 74 health centers ang naipagawa.
Kung kapayapaan na lang din po ang usapan, dumako naman tayo sa lugar na matagal naging mukha ng mga mithiing di makamtan-kamtan. Bago po magsimula ang mga reporma natin sa ARMM, may mga ghost student doon, na maglalakad sa isang ghost road, tungo sa isang ghost school, para magpaturo sa isang ghost teacher. Ang mga aparisyon pong gumulantang kay OIC Governor Mujiv Hataman: Apat na eskuwelahan na natagpuang may ghost students; iniimbestigahan na rin ang mga teacher na hindi lumilitaw ang pangalan sa talaan ng Professional Regulation Commission, gayundin ang mga tauhan ng gobyernong hindi nakalista sa plantilya.
Limampu’t limang ghost entry ang tinanggal sa payroll. Ang dating paulit-ulit na pagsasaboy ng graba sa kalsada para lang pagkakitaan ng pera, bawal na. Wala nang cash advance sa mga ahensya, para maiwasan ang pagsasamantala. Ang mga multo sa voters list, mapapatahimik na ang kaluluwa. Kaya nga po kay OIC Gov. Mujiv Hataman, ang masasabi natin: isa ka nang certified ghost buster.

Ang pumalit po: pabahay, tulay,
at learning center para sa mga Badjao sa Basilan. Mga community-based hatchery,
lambat, materyales para maglinang ng seaweeds, at punlang napakinabangan ng
2,588 na mangingisda. Certified seeds, punla ng gabi, casava, goma, at mga
punong namumunga para sa 145,121 na magsasaka. Simula pa lang po iyan: nakalaan
na ang 183 million pesos para sa mga municipal fishing port projects sa ARMM;
310.4 million pesos para sa mga istasyon ng bumbero; 515 million pesos para sa
malinis na inuming tubig; 551.9 million pesos para sa mga kagamitang
pangkalusugan; 691.9 million pesos para sa daycare centers; at 2.85 billion
pesos para sa mga kalsada at tulay na babagtas sa rehiyon. Ilan lang po iyan sa
patutunguhan ng kabuuang 8.59 billion pesos na ipinagkaloob ng pambansang
gobyerno para isakatuparan ang mga reporma sa ARMM. Lilinawin ko rin po: hindi
pa kasama rito ang taunang suportang natatanggap nila, na ngayong 2012 ay
umabot sa 11.7 billion pesos.
Miski po ang mga dating gustong
tumiwalag, nakikita na ang epekto ng reporma. Kinikilala natin bilang pahiwatig
ng kanilang tiwala ang nakaraang pitong buwan, kung kailan walang nangyaring
sagupaan sa pagitan ng militar at ng MILF. Sa peace process naman po: hayag at
lantaran ang usapan; nagpapamalas ang magkabilang panig ng tiwala sa isa't isa.
Maaaring minsan, magiging masalimuot ang proseso; signos lang po ito na malapit
na nating makamit ang nag-iisa nating mithiin: Kapayapaan.
Mapayapang pag-uusap rin po ang prinsipyong isinulong natin upang mabuo ang ating Executive Order ukol sa pagmimina. Ang kaisipan sa likod ng nabuong consensus: mapakinabangan ang ating likas na yaman upang iangat ang buhay ng Pilipino, hindi lamang ngayon kundi pati na rin sa susunod na salinlahi. Hindi natin pipitasin ang ginintuang bunga ng industriyang ito, kung ang magiging kabayaran ay ang pagkasira ng kalikasan.

Ngunit unang hakbang lamang ito.
Isipin po ninyo: Noong 2010, 145 billion pesos ang kabuuang halaga na nakuha
mula sa pagmimina, subalit 13.4 billion lamang o siyam na porsyento ang napunta
sa kaban ng bayan. Ang likas na yaman, pag-aari ninyo; hindi tayo papayag na
balato lang ang mapupunta sa Pilipino. Umaasa po tayo sa pakikiisa ng Kongreso
upang makapagpasa ng batas na sisigurong napapangalagaan ang kalikasan at
matitiyak na makatarungan ang magiging pakinabang ng publiko at pribadong
sektor sa mga biyayang makukuha natin mula sa industriyang ito.
Pag-usapan po natin ang situwasyon sa Disaster Risk Reduction and Management. Dati, ang gobyernong dapat tumutulong, nanghihingi rin ng tulong. Ngayon, nasa Pasipiko pa lang ang bagyo, alam na kung saan idedestino ang ayuda, at may malinaw nang plano upang maiwasan ang peligro.

Tuwing pag-uusapan nga po ang
sakuna, lagi kong naaalala ang nangyari sa Tarlac nang minsang bumagyo. Sa
lakas ng ulan, bumigay ang dike. Nang nagising ang isang barangay captain,
tinangay na ng baha ang kanyang pamilya at mga kagamitang pangsaka. Buti nga
po't nakaligtas ang buong mag-anak. Malas lang po ng kalabaw nilang naiwang
nakatali sa puno; nabigti ito sa lakas ng ragasa.
Walang kalaban-laban din po ang
marami sa tinamaan ng bagyong Ondoy, Pepeng, at Sendong. Napakarami pong nasawi
sa paghagupit ng mga delubyong ito. Sa ilalim ng bagong-lunsad na Project NOAH,
isinakay natin sa iisang bangka ang mga inisyatiba kontra-sakuna, at hindi na
rin po idinadaan sa tsamba ang paglilikas sa mga pamilya. Gamit ang teknolohiya,
nabibigyan na ng wastong babala ang Pilipino upang makapaghanda at makaiwas sa
disgrasya.
Real-time at direkta na ang
pakinabang ng walumpu't anim na automated rain gauges at dalawampu’t walong
water level monitoring sensors natin sa iba’t ibang rehiyon. Bago matapos ang
2013, ang target natin: animnaraang automated rain gauges at apatnaraan at
dalawampu’t dalawang water level sensors. Ipapakabit po natin ang mga ito sa
labingwalong pangunahing river basins sa buong bansa.
Isa pa pong pagbabago: Dati, ang mga ahensya'y kanya-kanyang habulan ng numero, kanya-kanyang agenda, kanya-kanyang pasikatan. Ngayon, ang kultura sa gobyerno: bayanihan para sa kapakanan ng taumbayan. Convergence po ang tawag natin dito.

Dati pa naman po naglipana ang
mga programa sa tree-planting. Pero matapos magtanim, pababayaan na lang ang
mga ito. Kapag nakita ng mga komunidad na naghahanap din ng kabuhayan,
puputulin ang mga ito para gawing uling.
May solusyon na po rito. Mayroon
na pong 128,558 hectares ng kagubatang naitanim sa buong bansa; bahagi lang po
iyan ng kabuuang 1.5 million na ektaryang matatamnan bago tayo bumaba sa
puwesto. Nakapaloob po rito ang mga komunidad na nasa ilalim ng National
Convergence Initiative. Ang proseso: pagkatanim ng puno, makikipag-ugnayan ang
DSWD sa mga komunidad. Kapalit ng conditional cash transfer, aalagaan ang mga
puno; mayroon ding mga magpapalago ng bagong punla sa nursery. 335,078 na po
ang mga Pilipinong nakakakuha ng kabuhayan dito.
Sa isa nga pong programa,
nakiambag din ang pribadong sektor, na nagbibigay ng spesyal na binhi ng kape
at cacao sa komunidad, at tinuturuan silang alagaan at siguruhing mataas ang
ani. Itinatanim ang kape sa lilim ng mga puno, na habang nakatayo ay
masisigurong hihigop ng baha at tutulong makaiwas tayo sa pinsala. Ang
kumpanyang nagbigay ng binhi, sure buyer na rin ng ani. Panalo ang mga
komunidad nay may dagdag kita, panalo ang pribadong sektor, panalo pa ang
susunod na salinlahing makikinabang sa matatayog na puno.
Matagal na pong problema ang
illegal logging. Mula nga po nang lumapag ang EO 23, nakasabat na si Mayor Jun
Amante ng mahigit anim na milyong pisong halaga ng troso. Nagpapasalamat tayo
sa kanya. Sa Butuan pa lang ito; paano pa kung magpapakita ng ganitong
political will ang lahat ng LGU?
Ang mga trosong nakukumpiska ng
DENR, lalapag sa mga komunidad na naturuan na ng TESDA ng pagkakarpintero. Ang
resulta: upuan para sa mga pampublikong paaralan na hawak naman ng DepEd.
Isipin po ninyo: ang dating pinagmumulan ng pinsala, ngayon, tulay na para sa
mas mabuting kinabukasan. Dati, imposible nga ito: Imposible kung
nagbubulag-bulagan ang pamahalaan sa ilegal na gawain.
Kaya kayong mga walang
konsensya; kayong mga paulit-ulit isinusugal ang buhay ng kapwa Pilipino:
maghanda na kayo. Tapos na ang maliligayang araw ninyo. Sinampolan na natin ang
tatlumpu't apat na kawani ng DENR, isang PNP provincial director, at pitong
chief of police. Pinagpapaliwanag na rin po natin ang isang Regional Director
ng PNP na nagbingi-bingihan sa aking utos at nagbulag-bulagan sa mga
dambuhalang trosong dumaan sa kanilang tanawin. Kung hindi kayo umayos,
isusunod namin kayo. Magkubli man kayo sa lilim ng inyong mga padrino, aabutan
namin kayo. Isasama na rin namin ang mga padrino ninyo. Kaya bago pa
magkasalubong ang ating landas, mas maganda sigurong tumino na kayo.
Mula sa sinapupunan, sa pag-aaral at pagtatrabaho, may pagbabago nang haharap sa Pilipino. At sakaling piliin niyang magserbisyo sa gobyerno, tuloy pa rin ang pag-aaruga ng estado hanggang sa kanyang pagreretiro. Tatanawin ng pamahalaan ang kanyang ambag bilang lingkod-bayan, at hindi ipagdadamot sa kanya ang pensiyong siya rin naman ang nagpuhunan.

Isipin po ninyo: may mga
pensyonado tayong tumatanggap ng 500 pesos lamang kada buwan. Paano niya ito
pagkakasiyahin sa tubig, kuryente, at pagkain araw-araw? Ang atin pong tugon:
Pagsapit ng bagong taon, hindi na bababa sa limanlibong piso ang matatanggap na
buwanang pensyon ng ating old-age and disability pensioners. Masaya tayong
matutugunan natin ang pangangailangan nila ngayon, nang hindi isinusugal ang
kapakanan ng mga pensyonado bukas.
Iba na po talaga ang mukha ng gobyerno. Sumasabay na nga po sa pribadong sektor ang ating pasahod para sa entry level. Pero kapag sabay kayong napromote ng kaklase mong piniling mag-pribado, nagkakaiwanan na.

Mahahabol din po natin iyan; sa
ngayon, ang good news natin sa mga nagtatrabaho sa pamahalaan: Performance Based
Incentives. Dati, miski palpak ang palakad ng isang ahensya, very satisfactory
pa rin ang pinakamababang rating ng empleyado. Dahil sa pakikisama, nahihirapan
ang bisor na bigyan ng makatarungang rating ang mga tauhan niya. Nakakawawa
tuloy ang mga mahusay magtrabaho; nawawalan sila ng dahilan para galingan dahil
parehas lang naman ang insentibo ng mga tamad at pursigido.
Heto po ang isa lamang sa mga
hakbang natin upang tugunan ito. Simula ngayong taon, magpapatupad tayo ng
sistema kung saan ang bonus ay nakabase sa pagtupad ng mga ahensya sa kanilang
mga target para sa taon. Nasa kamay na ng empleyado ang susi sa kanyang
pag-angat. Ang insentibo, maaaring umabot ng tatlumpu’t limang libong piso,
depende sa pagpapakitang-gilas mo sa iyong trabaho. Dagdag pa ito sa
across-the-board na Christmas bonus na matatanggap mo.
Ginagawa natin ito, hindi lamang
para itaas ang kumpiyansa at ipakita ang pagtitiwala natin sa ating mga
lingkod-bayan. Higit sa lahat, para ito sa Pilipinong umaasa sa tapat at
mahusay na serbisyo mula sa lingkod-bayan, at umaasang sila at sila lamang ang
ituturing na boss ng kanilang pamahalaan.
Simula pa lang mayroon nang mga kumuwestiyon sa sinasabi nating, "Kung walang corrupt, walang mahirap." Hanggang ngayon mayroon pa rin pong mangilan-ngilang nagtatanong: nakakain ba ang mabuting pamamahala? Ang simpleng sagot: Siyempre.

Isipin po natin ang ating
pinanggalingan: Dati, parang wild west ang pamumuhunan sa Pilipinas. May
peligro na nga ang negosyo, sinagad pa ang risko dahil sa di tiyak at nakalihim
na patakaran. Kakamayan ka nga gamit ang kanan, kokotongan ka naman gamit ang
kaliwa.
Ngayon: Dahil patas na ang
laban, at may hayag at hindi pabagu-bagong mga patakaran, patuloy ang pagtaas
ng kumpiyansa sa ating ekonomiya. Patuloy ang pagpasok ng puhunan; patuloy ang
pagdami ng trabaho; patuloy ang positibong siklo ng pagkonsumo, paglago ng
negosyo, at pagdami ng mamamayang naeempleyo.
Dahil maayos ang paggugol ng
gobyerno, walang tagas sa sistema. Dahil maayos ang pangongolekta ng buwis, lumalago
ang kaban ng bayan. Bawat pisong nakokolekta, tiyak ang pupuntahan: Piso itong
diretso sa kalsada, piso para sa bakuna, piso para sa classroom at upuan, piso
para sa ating kinabukasan.
Dahil maayos ang paggawa ng
tulay, kalsada, at gusali, itinatayo ang mga ito kung saan kailangan. Maayos
ang daanan, mas mabilis ang takbo ng produkto, serbisyo, at mamamayan.
Dahil maayos ang pamamahala sa
agrikultura, tumataas ang produksyon ng pagkain, at hindi pumapalo ang presyo
nito. Stable ang pasahod, at mas malakas ang pambansang ekonomiya.
Tunay nga po: Ang matatag at
malakas na ekonomiyang pinanday ng mabuting pamamahala ang pinakamabisang
kalasag laban sa mga hamon na kinakaharap ng daigdig. Dalawang taon po nating
binaklas ang mga balakid sa pag-unlad, at ngayon, tayo na lang mismo ang
makapipigil sa ating sariling pag-angat.
Ginawa po natin ang lahat ng ito habang binubuno rin ng bawat bansa sa iba't ibang sulok ng daigdig ang kani-kanilang problema't pagsubok.
Ginawa po natin ang lahat ng ito habang binubuno rin ng bawat bansa sa iba't ibang sulok ng daigdig ang kani-kanilang problema't pagsubok.
Hindi po tayo nag-iisa sa mundo,
kaya't habang tinutugunan natin ang sarili nating mga suliranin, angkop lamang
na bantayan din ang ilang pangyayaring maaaring makaapekto sa atin.
Naging maugong ang mga kaganapan
sa Bajo de Masinloc. May mga mangingisdang Tsinong pumasok sa ating teritoryo.
Nasabat ng mga bangka natin sa kanilang mga barko ang endangered species.
Bilang pinuno, kailangan kong ipatupad ang batas na umiiral sa ating bansa. Sa
pagsulong nito, nagbungguan ang Nine Dash Line Theory ng mga Tsino, na
umaangkin sa halos buong West Philippine Sea, at ang karapatan natin at ng
marami pang ibang bansa, kasama na ang Tsina, na pinagtitibay naman ng United
Nations Convention on the Laws of the Sea.
Ibayong hinahon ang ipinamalas
natin. Ang barko ng Hukbong Dagat, bilang tanda ng ating malinis hangarin, ay
agad nating pinalitan ng barkong sibilyan. Hindi tayo nakipagsagutan sa mga
banat ng kanilang media sa atin. Hindi naman po siguro kalabisan na hilingin sa
kabilang panig na galangin ang ating karapatan, gaya ng paggalang natin sa
kanilang mga karapatan bilang kapwa bansang nasa iisang mundong kailangang
pagsaluhan.
Mayroon po tayong mga miron na
nagsasabing hayaan na lang ang Bajo de Masinloc; umiwas na lang tayo. Pero kung
may pumasok sa inyong bakuran at sinabing sa kanya na ang kanyang kinatatayuan,
papayag ba kayo? Hindi naman po yata tamang ipamigay na lang natin sa iba ang
sadyang atin talaga.
Kaya nga po hinihiling ko sa
sambayanan ang pakikiisa sa isyung ito. Iisa lang po dapat ang kumpas natin.
Tulungan ninyo akong iparinig sa kabilang panig ang katuwiran ng ating mga
paninindigan.
Hindi po simple ang sitwasyon,
at hindi magiging simple ang solusyon. Magtiwala po kayo: kumokonsulta tayo sa
mga eksperto, at sa lahat ng pinuno ng ating bansa, pati na sa mga kaalyado
natin-- gayundin sa mga nasa kabilang panig ng usaping ito-- upang makahanap ng
solusyon na katanggap-tanggap sa lahat.
Sa bawat hakbang sa tuwid na daan, nagpunla tayo ng pagbabago. Ngunit may mangilan-ngilan pa ring pilit na bubunot nito. Habang nagtatalumpati ako ngayon, may mga nagbubulungan sa isang silid at hinihimay ang aking mga sinasabi; naghahanap ng butas na ipambabatikos bukas. Sasabihin nila: Salita lang ito, at hindi totoo ang tuwid na landas. Sila rin po ang magsasabing hayaan na, magkaisa na; forgive and forget na lang para makausad na tayo.

Hindi ko po matatanggap ito.
Forgive and forget na lang ang sampung taon na nawala sa atin? Forgive and
forget na lang para sa magsasakang nabaon sa utang dahil sa kakaangkat natin ng
bigas, gayong puwede naman palang pagyamanin ang kanyang lupa?
Forgive and forget na lang ba para sa pamilya ng isang pulis na namatay nang walang kalaban-laban, dahil batuta lang ang hawak niya habang hinahabol ang armadong masasamang-loob?
Forgive and forget na lang ba para sa pamilya ng isang pulis na namatay nang walang kalaban-laban, dahil batuta lang ang hawak niya habang hinahabol ang armadong masasamang-loob?
Forgive and forget na lang ba
para sa mga naulila ng limampu't pitong biktima ng masaker sa Maguindanao?
Maibabalik ba sila ng forgive and forget? Forgive and forget ang lahat ng
atraso ng mga naglubog sa atin sa bulok na estado? Forgive and forget para
maibalik ang lumang status quo? Ang tugon ko: Ang magpatawad, maaari; ang
makalimot, hindi. Kung ang nagkasala ay hindi mananagot, gagarantiyahan mo ang
pagpapahirap muli sa sambayanan.
Ang tunay na pagkakaisa at pagkakasunduan ay magmumula lamang sa tunay at ganap na katarungan. Katarungan ang tawag sa plunder case na isinampa laban sa dating pangulo. Katarungan na bigyan siya ng pagkakataong harapin ang mga akusasyon at ipagtanggol ang kanyang sarili. Katarungan ang nasaksihan natin noong ika-dalawampu’t siyam ng Mayo. Noong araw na iyon, pinatunayan natin: Posibleng mangibabaw ang katarungan kahit na ang kabangga mo ay may mataas na katungkulan. Noong araw na iyon, may isang Delsa Flores sa Panabo, Davao del Norte, na nagsabing, "Posible pala: iisang batas lang ang kailangang sundin ng court interpreter na tulad ko, at ng Punong Mahistrado." Posible palang maging patas ang timbangan; maaaring isakdal at panagutin miski ang mayaman at makapangyarihan.

Kaya po sa susunod na magiging
Punong Mahistrado, malaki ang inaasahan sa inyo ng sambayanan. Napatunayan na
po nating posible ang imposible; ang trabaho natin ngayon, siguruhing
magpapatuloy ang pagbabago tungo sa tunay na katarungan, matapos man ang ating
termino. Maraming sira sa sistemang kailangan ninyong kumpunihin, at alam kong
hindi magiging madali ito. Alam ko po kung gaano kabigat ang pasanin ng isang
malinaw na mandato; ngunit ito ang atas sa atin ng taumbayan; ito ang
tungkuling ating sinumpaan; ito ang kailangan nating gampanan.
Simple lang ang hangad natin:
kung inosente ka, buong-loob kang haharap sa korte, dahil kampante kang
mapapawalang-sala ka. Kung ikaw ang salarin, anuman ang apelyido mo, o gaano
man karami ang titulong nakakabit sa iyong pangalan, may katiyakan din na
pananagutan mo ang ginawa mong kasalanan.
Salamat din po kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sa pagtanggap ng hamon na maging tunay na tanod-bayan. Kung tutuusin, pwede na niyang tanggihan ang responsibilidad at sabihing, "Retirado na ako, puwede bang 'yung iba na lang?" Subalit nangibabaw ang kaniyang malasakit sa bayan. Sa kabila nito, may nagregalo pa rin sa kanya ng granada sa bahay. Ma'am, may mga darating pa pong pagsubok; baka po paglaon, magaya na kayo sa akin na tinatawag na ganid na kapitalista na komunista din patungong diktador dahil sa sigasig ng mga repormang ipinapatupad natin.

Bilib po ako sa inyong
pagpapakitang-gilas. Maraming salamat sa pagiging instrumento ng katarungan,
lalo na noong kasagsagan ng impeachment trial. Salamat din po sa dalawang
institusyong bumubuo ng Kongreso: Sa Senado at Kamara de Representante, na
tinimbang ng taumbayan at nakitang sapat na sapat.
Sa lahat po ng tumulong sa
pagpapagana ng mga prosesong pangkatarungan: Dumaan kayo sa matinding pagsubok,
batikos at agam-agam; kasama pa ang kaba na kung natalo tayo, kayo ang unang
pupuntiryahin ng kalaban. Pero di kayo natinag. Umasa sa inyo ang Pilipino, at
pinatunayan ninyong tama ang pag-asa sa inyo. Hindi ninyo binigo ang
sambayanan; ipinaliwanag ninyo lalo ang ating kinabukasan.
Paalala lang po: hindi natatapos
ang laban sa isang tiwaling opisyal na natanggal sa puwesto, sa isang
ma-anomalyang kontratang napigil ipatupad, o sa isang opisinang naituwid ang
pamamalakad. Kaya naman nananawagan po tayo sa Kongreso na ipasa ang panukala
nating pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act, upang mas mapaigting pa natin
ang pagpapanagot sa mga tiwali.
Itong tinatamasa natin ngayon: ang bawat nailawan at iilawan pang sitio; ang bawat daan, tulay, paliparan, tren, at daungan; ang bawat kontratang walang bukol; ang kaligtasan at kapayapaan mula lungsod hanggang nayon; ang pagbalik ng piring sa sistemang pangkatarungan; ang bawat classroom, upuan, at aklat na napapasakamay ng kabataan; ang bawat Pilipinong nahahandugan ng bagong kinabukasan-- ang lahat ng ito, naabot natin sa loob lamang ng dalawang taon.

Pagtabihin po natin ang dalawang
taon na ito, at ang nakaraang siyam at kalahating taon na ating pinagdusahan.
Di po ba't sumusulong na ang agenda ng pagbabago? Ang kapareho namin ng
adhikain, malamang, kasama namin sa agendang ito. At kung kontra ka sa amin, kontra
ka rin sa ginagawa namin. Kung kumukontra sila sa agenda ng pagbabago, masasabi
ba ninyong sila'y nasa panig ninyo?
Paparating na naman po ang
halalan. Kayo po, ang aming mga boss, ang tangi naming susundan. Ang tanong ko
sa inyo, "Boss, saan tayo tatahak? Tuloy ba ang biyahe natin sa tuwid na
landas, o magmamaniobra ba tayo't aatras, pabalik sa daan na baluktot at walang
patutunguhan?"
Naalala ko pa po noong nagsimula tayo. Mulat na mulat ako sa bigat ng pasaning sasalubong sa atin. Kabilang ako sa mga nag-isip: Kaya pa bang ituwid ang ganito kabaluktot na sistema?
Heto po ang aking natutuhan sa dalawampu't limang buwan ng pagka-pinuno: Walang imposible. Walang imposible dahil kung nakikita ng taumbayan na sila ang tanging boss ng kanilang pamahalaan, bubuhatin ka nila, gagabayan ka nila, sila mismo ang mamumuno tungo sa makabuluhang pagbabago. Hindi imposible na ang Pilipinas ang maging kauna-unahang bansa sa Timog-Silangang Asya na magbibigay ng libreng bakuna para sa Rotavirus. Hindi imposible para sa Pilipinas na tumindig at sabihing: "Ang Pilipinas ay sa Pilipino--at handa kaming ipagtanggol ito." Hindi imposible na ang Pilipinong kaytagal nang yumuyuko tuwing may makakasalubong na dayuhan--ang Pilipino, ngayon, taas-noo, tinitingala ng buong mundo. Talaga namang ang sarap maging Pilipino sa panahong ito.

Noon pong nakaraang taon,
hiniling ko sa taumbayan: Magpasalamat sa mga nakikiambag sa positibong
pagbabago sa lipunan. Hindi po biro ang mga pagsubok na dinaanan natin, kaya
angkop lamang na pasalamatan ang mga taong nakibalikat, sa pagkukumpuni sa mga
maling idinulot ng masamang pamamahala.
Sa lahat ng miyembro ng aking
Gabinete: Maraming, maraming salamat. Mapalad po ang sambayanan at may mga
tulad ninyong handang isuko ang pribado at mas tahimik na pamumuhay para sa
paghahatid serbisyo-publiko, kahit pa batid ninyong ang kapalit nito ay mas
maliit na sweldo, panganib, at pambabatikos.
Huwag din po sana nilang
masamain dahil personal ko silang papangalanan: Kina Father Catalino Arevalo,
at Sister Agnes Guillen, na dumidilig at nagpapalago sa aking buhay spirituwal,
lalo na sa mga panahong sukdulan ang pagsubok sa amin, maraming, maraming
salamat po.
Ito po ang aking ikatlong SONA, tatlo na lamang din po ang natitira. Papasok na po tayo sa kalagitnaan ng ating liderato. Noong nakaraang taon, ang hamon ko sa inyo: iwaksi ang kultura ng negatibismo; sa bawat pagkakataon, iangat ang kapwa-Pilipino.

Batid po sa tinatamasa natin
ngayon: hindi kayo nabigo. Sa inyo nagmula ang pagbabago. Ang sabi ninyo:
posible.
Humaharap po ako sa inyo bilang
mukha ng isang gobyernong kayo ang boss at kayo pa rin ang lakas. Inuulat ko
lamang ang mga pagbabagong ginawa ninyong posible.
Kaya nga po sa lahat ng nurse,
midwife, o doktor na piniling magsilbi sa mga baryo; sa bawat bagong graduate
na piniling magtrabaho sa gobyerno; sa bawat atletang Pilipinong bitbit ang
watawat saanmang panig ng mundo; sa bawat kawani ng pamahalaan na tapat na
nagseserbisyo: Kayo-- ang gumawa ng pagbabago.
Sa tuwing haharap ako sa isang
ina na nagsasabing, “Salamat at nabakunahan na ang aking sanggol,” ang tugon
ko: ikaw ang gumawa nito.
Sa tuwing haharap ako sa isang
bata na nagsasabing, “Salamat sa papel, sa lapis, sa pagkakataong
makapag-aral,” ang tugon ko: ikaw ang gumawa nito.
Sa tuwing haharap ako sa isang
OFW na nagsasabing, “Salamat at puwede ko na muling pangaraping tumanda sa
Pilipinas,” ang tugon ko: ikaw ang gumawa nito.
Sa tuwing haharap ako sa isang
Pilipinong nagsasabing, “Salamat, akala ko hindi na magkakakuryente sa aming
sitio. Akala ko hindi ko na aabuting buhay ang liwanag na ganito,” ang tugon
ko: ikaw ang gumawa nito.
Sa bawat pagkakataon na haharap
ako sa isang magsasaka, guro, piloto, inhinyero, tsuper, ahente sa call center,
karaniwang Pilipino; sa bawat Juan at Juana dela Cruz na nagsasabing “Salamat
sa pagbabago,” ang tugon ko sa inyo: kayo ang gumawa nito.
Inuulit ko: posible na ang
dating imposible. Humaharap po ako sa inyo ngayon, at sinasabing: hindi ko SONA
ito. Kayo ang gumawa nito. SONA ito ng sambayanang Pilipino. Maraming, maraming
salamat po.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento