(Magpet,
North Cotabato/July 24, 2012) ---Dalawang linggo matapos na makubkob ng mga
sundalo ang kinukutaang kampo ng mga New People’s Army sa bayan ng Magpet,
North Cotabato ay narekober naman nila nitong linggo ang isa pang Improvised
Explosive Device o IED.
Ayon
kay 57th IB Civil Military Operations Lt. Nasrullah Sema ang
nasabing pampasabog ay tumitimbang ng walong kilo na may blasting cap may isang
daang metrong detonating cord kungsaan kapareho nito ang isang IED na narekober
din na sa Barangay Datu Celo,Magpet.
Nabatid
na ang nasabing IED ay natagpuan ng mga residente habang nagbubungkal ito ng
bukid alas 4:45 ng hapon nitong linggo.
Agad
namang inireport ito ng mga residente sa Special Action force at sa Arakan PNP
para sa tamang disposasyon.
Sa
pahayag ng 602nd Brigade ng 6th Infantry Division na ang
nasabing IED ay itinanim di lamang kalayuan sa Municipal Road ng bayan ng
arakan kungsaan plano itong pasabugin sakaling dadaan ang tropa ng militar.
Ang
nasabing pampasabog ay pangalawang IED na narekober sa North cotabato matapos
na makubkob ng military ang isa sa pinakamalaking kampo ng NPA sa North
Cotabato. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento