Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 magkahiwalay na shooting incident naitala ng Kabacan PNP; pagbaril patay sa plantsadora, mistaken identity umano—ayon sa otoridad


(Kabacan, North Cotabato/July 24, 2012) ---Hindi pa man nalutas ang mga nagaganap na krimen at katatapos lamang isinagawa ang prayer rally kahapon hinggil sa pagkondina sa sunod-sunod na patayan dito sa bayan ng Kabacan, dalawang magkahiwalay na pamamaril ang naitala din kahapon.

Ang una, isang Elsie Valmonte, 52 anyos na residente ng Upper Paatan ang patay on the spot matapos na barilin ng di pa nakilalang suspek sa loob mismo ng kanyang tinatrabahuang Wildwest Tailoring sa loob ng Public Market.

Ang biktima ay binaril habang natutulog sa isang rattan na upuan.

Sinasabing mistaken identity umano ang pagkakabaril sa biktima, ayon sa mga otoridad.
Naganap ang insedente alas 2:00 ng hapon kahapon.

Samantala, patay din ang isang Jery Ramos, 30-taong gulang, residente ng Malvar St., Poblacion, Kabacan makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas alas 9:00 kagabi.

Ang biktima ay posibleng binaril sa ibang lugar at tinapon lamang sa may palayan sa Sitio Dimas, Lower Paatan.

Noong nakaraang taon, binaril din ang ama ng biktima sa mismong sakahan nila, subalit nagawa pa nitong makapagmaneho kahit may tama ito ng bala.

Nanguna sa pagresponde sa pinangyarihan ng insedente kagabi si Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP at PI Tirso Pascual.

Sa loob ng isang araw kahapon, dalawang pamamaril ang naiatla ng Kabacan PNP na ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad.

Ito na ang pang-limang kaso ng pamamaril ang naitala sa bayan ng Kabacan sa loob lamang ng dalawang linggo ngayong buwan ng Hulyo.  (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento